Sen. Ping Lacson, ipinag-utos ang “full background check” sa witness na si Orly Guteza

Sen. Ping Lacson, ipinag-utos ang “full background check” sa witness na si Orly Guteza

  • Ipinahayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na isasailalim sa masusing background check si Orly Regala Guteza, ang biglaang lumutang na testigo sa Senate Blue Ribbon hearing
  • Ayon kay Lacson, walang abiso o notice na ibinigay sa kanya bilang chairman ng komite bago iharap si Guteza na nagpakilalang dating Marine at ex-security consultant ni Rep. Elizaldy Co
  • Sa testimonya, inihayag ni Guteza na siya raw mismo ang nagdala ng mga maletang puno ng “basura” o kickbacks para kina Co at dating Speaker Martin Romualdez
  • Mariin namang itinanggi ni Atty. Petchie Rose Espera na siya ang nag-notaryo ng affidavit ni Guteza, habang si Romualdez naman ay tinawag na “false” ang lahat ng alegasyon laban sa kanya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-umapaw ang tensyon sa Senado matapos ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee kung saan lumutang ang isang “surprise witness” na si Orly Regala Guteza. Sa kabila ng mga mabibigat na paratang na ibinato nito laban kina Ako Bicol Rep. Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez, hindi nagpatinag si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson.

Read also

Dokumentong iniharap sa Senado, itinuring na “falsified” ng abogado

Sen. Ping Lacson, ipinag-utos ang “full background check” sa witness na si Orly Guteza
Sen. Ping Lacson, ipinag-utos ang “full background check” sa witness na si Orly Guteza (📷Ping Lacson/Facebook)
Source: Facebook

Sa halip, iginiit ng senador na kinakailangan munang isailalim sa masusing pagsusuri ang pagkatao at kredibilidad ng testigo bago bigyan ng timbang ang kanyang mga pahayag.

“Without the courtesy of notice even to the committee chairman, a totally surprise witness in yesterday’s blue ribbon hearing, a complete record check and background investigation on Orly Regala Guteza is in order,” saad ni Lacson. Nilinaw ng mambabatas na dahil sa bigat ng paratang, hindi maaaring balewalain ang testimonya ngunit dapat ding tiyakin na ito’y suportado ng katotohanan at lehitimong ebidensiya.

Si Guteza, na ipinakilala ni dating Blue Ribbon chairman Sen. Rodante Marcoleta at inendorso ni ex-lawmaker Michael Defensor, ay nagpakilalang dating Marine at ex-security consultant ni Zaldy Co. Sa kanyang testimonya, inilarawan niyang siya raw ang naghatid ng maletang puno ng “basura”—na ayon sa kanya ay tawag nila sa cash kickbacks—patungo kina Co at Romualdez.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngunit agad ding lumutang ang mga pagdududa. Isang affidavit na umano’y pirmado at notarized ng abogada na si Petchie Rose Espera ang ipinakita sa hearing. Hindi ito pinalampas ni Espera, na agad na naglabas ng pahayag at iginiit na peke ang kanyang pirma at notarial details. “The signature and notarial details attributed to me are falsified and unauthorized,” aniya, at tinawag pang “fraudulent” at “injurious” ang paggamit ng kanyang pangalan.

Read also

Albie Casiño, nagbigay ng matinding reaksyon sa pahayag ng anak ni Zaldy Co

Mariin din itong itinanggi ni Romualdez at sinabing walang katotohanan ang mga paratang ni Guteza. Para sa kanya, malinaw na paninira lamang ito at hindi dapat gawing basehan ng publiko ang ganoong klase ng testimonya.

Bago pa man maging Senate President Pro Tempore, kilala na si Panfilo “Ping” Lacson bilang dating hepe ng Philippine National Police at bilang isa sa mga pinakamatatag na tinig laban sa korapsyon. Bilang chairman ng Blue Ribbon Committee, madalas siyang nakikita sa mga high-profile investigations sa Senado. Ang kanyang panawagan na suriin ang credibility ng mga testigo ay tugma sa kanyang reputasyon bilang mahigpit at detalyadong imbestigador.

Kamakailan lang, kinumpirma ni Sen. Ping Lacson na personal siyang binisita ng isang opisyal ng WJ Construction sa Senado. Ayon kay Lacson, ang nasabing opisyal ay nagbigay ng mga dokumentong may kinalaman umano sa flood control projects na kasalukuyang iniimbestigahan ng Blue Ribbon Committee. Dagdag pa niya, nakikipag-ugnayan siya para matiyak na makukumpleto ang lahat ng detalye na makakatulong sa pag-usad ng imbestigasyon.

Read also

Chiz Escudero, mariing itinanggi ang pagkakadawit sa flood control projects

Bukod dito, nagbabala rin si Lacson na maaari niyang ipawalang-bisa ang immunity ni dating DPWH engineer Brice Hernandez kung hindi nito isusuko ang computer na umano’y naglalaman ng sensitibong impormasyon. Ayon kay Lacson, hindi maaaring abusuhin ng mga testigo ang pribilehiyo ng immunity kung hindi naman sila makikipagtulungan nang buo sa Senado. Malaking usapin ang naturang computer dahil pinaniniwalaang naglalaman ito ng ebidensiya hinggil sa flood control scam.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate