Dokumentong iniharap sa Senado, itinuring na “falsified” ng abogado
- Isang abogada ang mariing itinanggi na siya ang nag-notaryo o naghanda ng affidavit na iniharap ng dating Marine na si Orly Regala Guteza sa Senate hearing
- Ayon kay Atty. Petchie Rose Espera, peke at walang pahintulot ang pirma at notarial details na nakasaad sa dokumento
- Ang affidavit na ito ang nag-ugnay umano kay Party-list Rep. Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez sa pagtanggap ng 46 maleta ng cash na tinawag na “trash”
- Giit ni Espera, ang paggamit sa kanyang pangalan at notarial commission ay mapanlinlang at nakasisira sa kanyang reputasyon bilang abogado at notaryo publiko
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mainit ang usapan sa Senado nitong Huwebes matapos lumabas ang umano’y affidavit na nag-uugnay kina Party-list Rep. Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez sa paghahatid ng 46 na maleta ng “trash”—isang katawagan umano para sa cold cash. Ngunit agad itong nagkaroon ng mas malaking twist nang maglabas ng pahayag ang abogado na sinasabing nag-notaryo sa dokumento.

Source: Facebook
Ayon kay Atty. Petchie Rose Espera, walang katotohanan ang pagdadawit sa kanyang pangalan. Sa isang sulat na ipinadala niya sa isang news network, diretsahan niyang sinabi: “I categorically deny notarizing, signing, or participating in the preparation of the said document. The signature and notarial details attributed to me are falsified and unauthorized.”
Dagdag pa ng abogada, ang paggamit sa kanyang pangalan ay malinaw na mapanlinlang: “The use of my name and notarial commission in connection with said document is spurious, fraudulent, and injurious to my reputation as a member of the Bar and as a commissioned Notary Public.”
Si Guteza, isang dating Marine at umano’y bodyguard ni Rep. Zaldy Co, ay iniharap sa Senado ni Sen. Rodante Marcoleta matapos makilala kay dating kongresista Michael Defensor. Sa kanyang affidavit, idiniin niya sina Co at Romualdez sa pagtanggap ng maleta-maleta ng pera, bagay na naging headline at kumalat agad sa social media.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Subalit dahil sa pahayag ni Atty. Espera, nagkaroon ng malaking butas ang kredibilidad ng dokumento. Maging ang ilang observers ay nagtaka kung paano naiprisinta ang affidavit kung peke pala ang notaryo nito.
Kaugnay nito, nananawagan ang abogada na agad alisin ang mga post sa social media na nag-uugnay sa kanya sa isyu, dahil ito’y direktang nakakaapekto sa kanyang propesyonal na pangalan at integridad.
Si Atty. Petchie Rose Espera ay isang commissioned Notary Public at kasapi ng Philippine Bar. Ang kanyang pangalan ay unang nadawit nang lumabas ang affidavit ni Orly Regala Guteza sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kontrobersyal na flood control projects. Ang kaso ay nagdulot ng matinding atensyon dahil sa bigat ng paratang laban sa mga kilalang politiko.
Samantala, patuloy ring bumubuhos ang atensyon sa anomalya ng flood control projects. Sa ulat ng Kami.com.ph, mismo si DPWH Secretary Manuel Bonoan-Dizon ang umalma sa isang unfinished flood control project sa Davao Occidental. Ayon sa kanya, malinaw na kapabayaan ang naganap at hindi katanggap-tanggap ang resulta ng proyekto. Maraming netizens ang sumuporta sa pahayag na dapat managot ang mga nasa likod nito.
Samantala, maging ang mga personalidad sa showbiz ay hindi napigilang mag-react sa naturang isyu. Sa ulat ng Kami.com.ph, ibinahagi ni Julia Barretto ang ilang quote cards na may kinalaman sa P1-bilyong flood control controversy. Ang kanyang simpleng pagbabahagi ay umani ng maraming komento mula sa netizens, karamihan ay pumuri sa kanyang pagiging bukas sa mga isyung panlipunan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh