Rodrigo Duterte, kinasuhan ng ICC ng 3 counts of crime against humanity
- Kinasuhan na si dating Pangulong Duterte ng ICC kaugnay sa sinasabing libu-libong patayan sa war on drṳgs
- Tatlong kaso ang inihain laban sa kanya mula 2013 hanggang 2022
- Kabilang sa kaso ang mga pagpatay sa Davao at sa iba’t ibang operasyon noong kanyang termino
- Siya ang unang dating lider sa Asya na kinasuhan ng ICC at nasa kustodiya siya roon mula pa noong Marso.
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nahaharap na sa mga kasong kriminal sa International Criminal Court (ICC) ang 80-anyos na dating Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng libu-libong pagpatay sa ilalim ng kanyang tinaguriang “war on drṳgs.”

Source: Getty Images
Kabilang dito ang mga napatay na maliliit na tulak, gumagamit ng droga, at iba pa na walang dumaan sa paglilitis.
Batay sa tala ng ICC na may petsa noon pang Hulyo ngunit isinapubliko lamang nitong Lunes, Setyembre 22, itinuturing si Duterte bilang isang “indirect co-perpetrator.”
Ayon kay ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang, isinagawa ng iba kabilang ang mga pulis, ang mga krimen ngunit bahagi umano si Duterte sa plano o kasunduan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Tatlong pangunahing kaso ang kinakaharap ni Duterte. Una, ang umano’y pagkakasangkot sa pagpatay ng 19 katao sa Davao City mula 2013 hanggang 2016 habang siya’y alkalde.
Ikalawa, ang pagpatay sa 14 na tinaguriang “high-value targets” sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong siya’y pangulo (2016–2022).
Ikatlo, ang pagpatay at tangkang pagpatay sa 45 katao sa mga village clearance operations.
Binanggit ng mga taga-usig na si Duterte at ang kanyang mga kasabwat ay may “iisang plano” na i-neutralize ang mga pinaghihinalaang kriminal partikular na ang sangkot sa paggamit, pagbebenta, at produksyon ng droga sa pamamagitan ng mararahas na paraan gaya ng pagpatay.
Higit 6,000 katao ang opisyal na naitalang napatay sa kampanya laban sa droga, ngunit naniniwala ang mga aktibista na maaaring umabot pa sa sampung libo ang bilang nito.
Gayunpaman, sinasabing hinidi kailanman humingi ng paumanhin si Duterte, at iginiit niya umano na layunin ng kampanya ang sugpuin ang droga at kriminalidad.
Si Duterte ang unang dating pinuno ng estado sa Asya na kinasuhan ng ICC, at unang suspek na dinala sa The Hague sa loob ng mahigit tatlong taon. Nasa kustodiya siya roon mula pa noong Marso. Ayon sa kanyang abogado, hindi na kayang dumalo ni Duterte sa paglilitis dahil sa paghina ng kalusugan.
Samantala, narito ang bahagi ng nilalaman ng hatol sa dating pangulo na naibahagi ng Daily Tribune:
Si Rodrigo Duterte ay dating alkalde ng Davao City na nakilala dahil sa mahigpit niyang kampanya laban sa kriminalidad at droga. Noong 2016, nahalal siya bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas at inilunsad ang tinaguriang “war on drṳgs.” Sa ilalim ng programang ito, libu-libong katao ang napatay kabilang ang maliliit na tulak at gumagamit ng droga, na nagdulot ng malawak na batikos mula sa lokal at internasyonal na komunidad. Kilala rin siya sa kanyang matapang at kontrobersyal na pananalita, at sa pagtanggi niyang humingi ng paumanhin sa mga napatay sa kanyang kampanya.

Read also
Daniel Padilla, nagsalita laban sa katiwalian sa gitna ng “Trillion Peso March” sa Pilipinas
Dahil sa dami ng mga insidente ng patayan, nagsagawa ng imbestigasyon ang International Criminal Court (ICC) laban kay Duterte. Ayon sa mga taga-usig, siya ay may pananagutang kriminal bilang “indirect co-perpetrator” sa mga pagpatay na isinagawa ng mga pulis at iba pang kasabwat. Kabilang sa mga kasong inihain laban sa kanya ang mga pagpatay sa Davao City bago siya naging pangulo, pati na rin ang mga operasyon noong kanyang termino mula 2016 hanggang 2022. Dahil dito, siya ang unang dating pinuno ng estado sa Asya na kinasuhan at dinala sa The Hague, Netherlands, kung saan nakabase ang ICC.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh