Ping Lacson, kakanselahin ang immunity ni Brice Hernandez kung hindi isusuko ang computer

Ping Lacson, kakanselahin ang immunity ni Brice Hernandez kung hindi isusuko ang computer

  • Nagbanta si Senator Panfilo “Ping” Lacson na kakanselahin ang legislative immunity ni dating DPWH assistant district engineer Brice Hernandez kung hindi niya isusuko ang computer na mahalagang ebidensya sa flood control investigation
  • Ayon kay Lacson, hawak na sana ng Senate sergeant-at-arms ang computer pero umatras si Hernandez at nagpayo munang kumonsulta sa kanyang abogado bago tuluyang isuko ito
  • Kinumpirma rin ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na may mga ulat ng pagsira at pagtamper ng mga dokumento sa DPWH, bagay na tinawag ni Lacson na “criminal”
  • Nanindigan si Lacson na hindi maaaring ipagpatuloy ang katiwalian at pagtatago ng ebidensya, at nanawagan na papanagutin ang mga sangkot sa anomalya sa flood control projects

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbabala si Senator Panfilo “Ping” Lacson na mawawalan ng proteksiyon si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) assistant district engineer Brice Hernandez kung hindi nito ibibigay sa Senado ang kanyang computer na hinihinalang naglalaman ng mahahalagang ebidensya sa flood control mess.

Read also

Angeline Quinto, idinaan sa biro ang matinding mensahe laban sa korapsyon

Ping Lacson, kakanselahin ang immunity ni Brice Hernandez kung hindi isusuko ang computer
Ping Lacson, kakanselahin ang immunity ni Brice Hernandez kung hindi isusuko ang computer (📷Senate of the Philippines/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Lacson, noong una ay pumayag si Hernandez na dalhin ang computer sa Senado matapos payagang umuwi upang kunin ang mga dokumento. Ngunit bigla itong umatras at nagpasya umanong kumonsulta muna sa kanyang abogado.

“Initially hawak na ng OSAA kasi eh pero all of a sudden si Brice Hernandez parang nagbago ng isip, ‘Teka muna, magtanong muna ako sa lawyer,’” ayon kay Lacson.

Dahil dito, agad na inutusan ni Lacson ang Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na iselyo ang computer upang hindi na ito ma-tamper. Binigyan din niya ng deadline si Hernandez. “Hanggang 12 pag hindi sila bumalik doon, I will cancel the legislative immunity na binigay sa kanya. And we will not recommend him to be admitted into the Witness Protection Program,” diin ng senador.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na pinayagang umalis si Hernandez mula sa Senate detention facility upang makuha ang iniwang gamit. Subalit ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, hindi natuloy ang pagkuha dahil sa payo ng mga abogado ni Hernandez.

Read also

Catriona Gray, may “raise your flag” moment habang nakikiisa sa Trillion peso march

Kasabay nito, naglabas ng pahayag ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na pinamumunuan ni retired Justice Andres Reyes Jr. na mariing kinondena ang umano’y “widespread destruction and tampering” ng mga opisyal na dokumento ng DPWH kaugnay ng flood control projects.

“Such acts constitute not only a blatant obstruction of ongoing investigations but also a direct assault on the public's right to transparency and accountability,” anang pahayag. Idiniin din ng ICI na lahat ng record ng public works ay ari-arian ng bayan at anumang pagtatangkang sirain o itago ang mga ito ay may kasamang mabigat na pananagutang administratibo at kriminal.

Para kay Lacson, ang pagkasira ng mga opisyal na dokumento ay malinaw na kriminal na gawain. “That’s criminal. Kasi these are official records. When you destroy, you’re destroying the records para hindi ma-trace yung kalokohan nila, yung corruption,” aniya.

Si Brice Hernandez ay dating assistant district engineer ng DPWH na nasangkot sa malawakang imbestigasyon hinggil sa anomalya sa flood control projects. Sa ilalim ng Senado, binigyan siya ng legislative immunity kapalit ng kooperasyon at pagsisiwalat ng mga impormasyon tungkol sa ghost projects at paglustay ng pondo. Ngunit matapos ang isyu ng computer at pag-atras sa pagbibigay ng ebidensya, lumalakas ang panawagan na bawiin ang kanyang immunity at pananagutin siya sa batas.

Read also

Vice Ganda sasama sa Luneta protest: “It’s time to end the audacity of the beasts”

Kamakailan, pinanindigan ni Senator Jinggoy Estrada na hindi makatarungan ang pagbibintang kay Hernandez bilang pangunahing utak sa flood control anomaly. Ayon kay Estrada, bagama’t dapat papanagutin ang mga sangkot, hindi raw tama na gawing panakip-butas ang isang tao habang malalaking isda ang nakakalusot.

Bukod dito, si Hernandez at isa pang opisyal na si Engineer Mendoza ay idineklarang perpetually disqualified sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno matapos ang imbestigasyon. Batay sa findings, napatunayang may kinalaman sila sa ghost projects na kumain ng bilyon-bilyong pondo. Ayon sa report, ito ay hakbang para hindi na maulit ang parehong uri ng katiwalian sa loob ng DPWH.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: