Viy Cortez, pumalag matapos ma-bash nang makibahagi sa Trillion Peso March

Viy Cortez, pumalag matapos ma-bash nang makibahagi sa Trillion Peso March

  • Umani ng matinding pambabatikos si Viy Cortez matapos siyang makita at makibahagi sa Trillion Peso March, isang malaking kilos-protesta laban sa katiwalian na ginanap noong Setyembre 21 sa Maynila at Quezon City, kung saan libu-libong Pilipino ang nakiisa para kondenahin ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno
  • Sa isang emosyonal na Facebook post, inamin ni Viy na siya at ang kanyang partner na si Cong TV ay natatakot na magsalita tungkol sa pulitikal na isyu dahil sa inaasahang pambabatikos, ngunit pinili pa rin niyang gamitin ang kanyang plataporma para manindigan at makiisa sa panawagan ng taumbayan
  • Buo ang loob ni Viy na tanggapin ang lahat ng mura, panlalait, at negatibong komento ng mga kritiko, basta’t malinaw umano na pareho silang naglalayon ng pagbabago at hustisya; aniya, mas mabuti nang magsalita kaysa manatiling tahimik habang patuloy ang nakawan sa kaban ng bayan
  • Iginiit ng content creator na hinding-hindi niya pagsisisihan ang paglalabas ng kanyang saloobin sa social media, at naniniwala siyang sa wakas ay nagamit niya nang tama ang kanyang Facebook account para ipahayag ang paninindigan laban sa korapsyon at para suportahan ang panawagan ng sambayanang Pilipino

Read also

Mayor Isko, sinigurong makakasuhan ang mga sangkot sa magulong rally sa Maynila

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi nakaligtas sa matinding pambabatikos si Viy Cortez matapos makiisa sa Trillion Peso March, ang malakihang kilos-protesta laban sa korapsyon na ginanap noong Setyembre 21 sa Luneta at People Power Monument. Sa kabila nito, mariing ipinahayag ng vlogger at negosyante ang kanyang paninindigan sa pamamagitan ng isang emosyonal na Facebook post.

Viy Cortez, pumalag matapos ma-bash nang makibahagi sa Trillion Peso March
Viy Cortez, pumalag matapos ma-bash nang makibahagi sa Trillion Peso March (📷Viy Cortez-Velasquez/Facebook)
Source: Instagram

“Sa totoo lang natatakot kami mag asawa mag post dahil alam namin na mababalik lahat ng galit sa amin. Pero mas okay na magsalita kesa manahimik!” ani Viy.

Dagdag pa niya, buo ang loob niyang tanggapin ang anumang panlalait at mura mula sa publiko. Para kay Viy, mas mahalaga na gamitin ang kanyang platform upang makiisa sa panawagan para sa accountability ng mga nasa kapangyarihan.

“Tatanggapin ko lahat ng panlalait mura at kung ano ano pa. Kung yun ang ikagagaan ng nararamdaman niyo. Basta pare parehas tayo ng gusto.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi rin niya ikinaila ang bigat ng damdaming nadarama, kaya’t diretsahan niyang binanatan ang isyu: “Hindi ko pagsisisihan na nasabi kong PUT*NG INA NAKAW PA!”

Read also

Daniel Padilla, nagsalita laban sa katiwalian sa gitna ng “Trillion Peso March” sa Pilipinas

Matapos ang kanyang pahayag, umani si Viy ng halo-halong reaksyon. Habang marami ang humanga sa kanyang katapangan, hindi rin maikakaila na may mga netizens na mabilis siyang inatake at tinawag ang kanyang post na “pampasikat lang.” Ngunit nanindigan ang vlogger na hindi siya magsisisi sa kanyang ginawa.

“Hinding hindi ako mag sisisi na sa wakas nagamit ko tong fb ko ng tama!” ani pa niya.

Si Viy Cortez ay isang kilalang content creator at negosyante. Siya ay karelasyon ng kapwa vlogger na si Cong TV, at kilala rin sa pagiging hands-on mom sa kanilang mga anak na sina Kidlat at Tokyo Athena. Hindi na bago sa kanya ang pagiging sentro ng atensyon online, ngunit bihira siyang magpahayag ng pulitikal na paninindigan. Kaya’t marami ang nakapansin nang lantaran niyang kondenahin ang katiwalian sa gobyerno.

Kamakailan lang, naging laman ng balita ang pamilya ni Viy nang mabinyagan ang kanilang anak na si Tokyo Athena. Sa ulat ng KAMI, ipinakita ang mga litrato mula sa simpleng ngunit makabuluhang okasyon. Kasama ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan, masayang ipinagdiwang ng Team Payaman ang milestone ng kanilang baby girl.

Read also

Angeline Quinto, idinaan sa biro ang matinding mensahe laban sa korapsyon

Bukod dito, hindi rin nakaligtas sa spotlight ang pamilya nang magdaos ng engrandeng birthday celebration para sa panganay nilang si Kidlat. Ayon sa ulat, pinuno ng saya at kulay ang event na dinaluhan ng malalapit na kaibigan at ilang celebrity guests.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: