WJ Construction, itinanggi ang umano’y transaksyon kay Sen. Jinggoy Estrada
- Mariing itinanggi ni WJ Construction’s Mina Elamparo-Jose ang umano’y transaksyon nila kay Sen. Jinggoy Estrada
- Sinabi niyang hindi siya kailanman nagbigay ng pera sa kahit sinong opisyal ng gobyerno, kabilang si Brice Hernandez
- Estrada at Sen. Joel Villanueva kapwa nag-deny sa alegasyong sangkot sila sa flood control project anomaly
- Sen. Erwin Tulfo ipinatigil ang kontrata sa WJ Construction matapos mabanggit ang pangalan nito sa isyu
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee nitong Huwebes, mariing itinanggi ni W.J. Construction representative Mina Elamparo-Jose ang mga alegasyon na sila ay may kaugnayan kay Senator Jinggoy Estrada sa flood control projects controversy.

Source: Facebook
Ayon kay Jose, walang ghost o substandard na proyekto ang kanilang kumpanya at hindi rin sila kailanman nakipagtransaksyon ng pera sa sinumang opisyal ng gobyerno. “As for myself, I speak from the depth of my heart that I have never engaged in any illegal activity. I have never given nor received any money from any public official or government employee, including this Mr. Brice Hernandez. Thus, I strongly deny his accusations, the baseless and malicious accusations he threw against me and WJ Construction during the congressional hearing,” matindi niyang pahayag.
Nauna nang sinabi ni dating DPWH assistant engineer Brice Hernandez sa isang House hearing na ang WJ Construction umano ang nagdadala ng “obligations” o “kickbacks” kay Beng Ramos, na sinasabi niyang staff ni Estrada. Gayunman, mariin itong itinanggi ng senador at idiniin na wala siyang empleyadong may ganung pangalan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa pagdinig, tinanong ni Sen. Rodante Marcoleta si Jose kung personal ba niyang kilala si Estrada o nag-abot ba siya ng pera rito. Diretsahan niyang sagot, “Hindi po. Kahit kay Brice, wala po akong dinalang pera.” Agad namang nagbiro si Marcoleta kay Estrada at sinabing, “Okay. so talagang safe ka na.”
Bukod kay Estrada, nadawit din sa usapin si Sen. Joel Villanueva ngunit katulad ni Jinggoy ay mariin din itong nag-deny.
Samantala, inamin ni Jose na bumisita siya sa Senado noong Agosto 19, pero hindi raw ito konektado sa alegasyong ibinabato kay Estrada. Ayon sa kanya, dinala siya sa opisina ni Sen. Erwin Tulfo para mag-inspect ng problema sa terrace nito. “Meron po kasing problem ‘yung terrace ni Senator Erwin na binabaha po siya lalo po pag umuulan. So ako po yung na-refer na contractor nung staff niya na kung pwede po tingnan namin, gawan ng solusyon and mag-suggest po kami sa kanya,” paliwanag ni Jose.
Ngunit matapos malaman ni Tulfo na nadadawit ang pangalan ng WJ Construction sa flood control issue, agad niyang ipinatigil ang refurbishment project ng kanyang opisina. “But upon learning, her name was mentioned by Engineer Brice, we immediately requested to cancel all contracts with WJ where I specifically ordered to terminate our office refurbishment project with WJ,” sabi ng senador.
Si Jinggoy Estrada ay kasalukuyang senador at anak ng dating Pangulong Joseph Estrada. Kilala siya bilang aktor bago pumasok sa politika, at ilang beses nang nasangkot sa mga kontrobersiya tulad ng pork barrel scam. Sa kabila nito, nananatili siyang aktibong miyembro ng Senado. Samantala, si Mina Elamparo-Jose ay kinatawan ng WJ Construction, isang pribadong kumpanya ng kontratista na ngayon ay iniipit sa mga alegasyon ng katiwalian.
Kamakailan, naging tampulan din ng balita si Sen. Jinggoy Estrada matapos hindi niya magustuhan ang biro ni Sen. Rodante Marcoleta. Sa isang Senate hearing, sinabi ni Marcoleta na “safe na siya” matapos ideklarang walang nagbigay ng pera kay Estrada. Hindi ito nagustuhan ni Jinggoy at ipinakita niyang seryoso siya sa paglilinaw sa mga paratang laban sa kanya.

Read also
Donnalyn Bartolome, pinarangalan sa Europe, nagbigay ng matinding pahayag ukol sa baha sa Pilipinas
Sa pang insidente ay nang palagan ni Estrada ang pagkakadawit sa kanya ng dating DPWH engineer na si Brice Hernandez. Mariin niyang itinanggi na tumanggap siya ng 30% kickback mula sa P355 milyon na flood control projects. Giit ni Estrada
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh