"Stay vigilant": Lino Cayetano warns against trolls na ginagamit umano ng mga trapo
- Lino Cayetano nagbabala laban sa umano’y paggamit ng trolls ng mga trapo
- Aniya, ginagamit ang trolls para takpan ang isyu ng korupsyon at lituhin ang publiko
- Binigyang-diin niyang bawal ang pagbabayad at pananakot para sa fake engagement online
- Hinimok niya ang publiko na manatiling mapanuri at ipaglaban ang sariling pangarap para sa bayan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang matapang na pahayag ang ibinahagi ni dating Taguig City Mayor Lino Cayetano sa kanyang Facebook account ngayong linggo, kung saan ibinunyag niya ang umano’y modus ng ilang tradisyunal na politiko o “trapo.” Ayon kay Cayetano, ginagamit ng mga ito ang trolls para pagtakpan ang isyu ng korupsyon at lituhin ang publiko.

Source: Facebook
Aniya, “The next big expose siguro sa Pilipinas ay kung paano ang mga trapo ay gumagamit ng mga trolls or nananakot ng mga taong naka payroll sa gobyerno para may like comment at share. Ang pag gamit at pagbabayad ng trolls at ang pananakot at sapilitang pag utos na mag post at mag komento ay hindi lang bawal sa batas kundi parte ng MAS MALAKING PROBLEMA.”
Dagdag pa niya, malinaw na ang ganitong taktika ay paraan para mailihis ang usapan sa gitna ng mainit na imbestigasyon hinggil sa katiwalian. “Ang pag unleash ng trolls, fake news, pag utos at pananakot and like - share - comment sa panahon na mainit ang imbesitgasyon sa KORUPSYON ay malinaw na senyales na ginagamit ang kapangyarihan para malihis ang kwento, maiba ang usapan, matakot o mapahiya ang gusto magsalita o nagatatanong lamang sa kanyang gobyerno o sa makapangyarihan,” paliwanag pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kanyang mensahe, hinimok ni Cayetano ang publiko na maging mapanuri at hindi basta magpadala sa mga ipinapakalat na naratibo ng mga pulitiko. “Stay vigillant. Maging mapanuri. Wag basta pulitika ang pakinggan kundi ang pagsusuri ng mga bagay na tama o mali. Wag politiko ang pakinggan at ipaglaban kundi ang sarili nyong mga pangarap para sa mas magandang Pilipinas,” aniya.
Pinatibay pa niya ang kanyang paninindigan sa pamamagitan ng panawagan na huwag matakot sa kabila ng presensya ng trolls online. “Wag matakot, laban lang, huwag hayaan na trolls ng trapo ang nagsasabi ano mahalaga para sa bayan natin… dahil ang trolls ng mga trapo ay andyan para protektahan ang interes nila. God bless us always, keep the fight,” pagtatapos ni Cayetano.

Read also
Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”
Si Lino Cayetano ay nakilala hindi lamang bilang dating alkalde ng Taguig City kundi bilang direktor at producer bago pumasok sa pulitika. Isa siya sa mga kapatid sa prominenteng Cayetano political clan. Sa kanyang panunungkulan, tumutok siya sa mga proyektong pang-edukasyon at pang-imprastruktura, at matapos nito ay mas aktibo siya ngayon sa pagbibigay ng opinyon hinggil sa mga isyung pambansa sa pamamagitan ng social media.
Kamakailan lamang, kumontra si Lino Cayetano sa panawagan ng kanyang kapatid na senador tungkol sa umano’y “normalization” ng korupsyon. Sa kanyang reaksyon, iginiit niyang hindi kailanman dapat ituring na normal ang katiwalian dahil ito ay sumisira sa kinabukasan ng bansa. Ang kanyang paninindigan ay umani ng suporta mula sa mga netizens na sang-ayon sa kanyang pananaw. Basahin ang buong balita dito.
Samantala, naging usap-usapan din ang pagsang-ayon ng komedyanteng si Pokwang sa mga pahayag ni Cayetano laban sa korupsyon. Aniya, mahalagang ipaglaban ang tama at huwag palagpasin ang katiwalian sa gobyerno. Ang suporta ni Pokwang ay nagbigay ng dagdag na boses sa panawagan ni Cayetano para sa mas transparent at malinis na pamamahala.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh