RTC, naglabas ng preliminary injunction pabor kina Elias Lintucan laban kay Beverly Labadlabad

RTC, naglabas ng preliminary injunction pabor kina Elias Lintucan laban kay Beverly Labadlabad

  • Kinatigan ng korte ang hiling ni Elias Lintucan at ng kanyang banda na magkaroon ng preliminary injunction laban sa talent manager nilang si Beverly Labadlabad habang dinidinig ang kanilang kaso
  • Ayon sa abogado ni Elias na si Atty. Israelito Torreon, hindi na maaaring makialam si Labadlabad sa anumang professional affairs ng banda, kabilang ang pagkolekta ng bayad at pagpasok sa kontrata
  • Matatandaan na nagsampa ng civil case ang grupo para ipawalang-bisa ang kanilang “Artist Management Agreement” at humiling din ng accounting damages, attorney’s fees, at TRO laban sa manager
  • Inatasan ang kampo ni Elias na magbayad ng injunction bond na P1.5 milyon bilang requirement ng batas, na gagamitin sakaling mapatunayang nagkamali ang korte sa pagbibigay ng naturang kautusan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagtagumpay si Elias Lintucan at ang kanyang mga kasamahan sa Elias J T.V band matapos igawad ng Regional Trial Court Branch 17 ang kanilang hiling na preliminary injunction laban sa talent manager na si Beverly Labadlabad.

Read also

Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”

RTC, naglabas ng preliminary injunction pabor kina Elias Lintucan laban kay Beverly Labadlabad
RTC, naglabas ng preliminary injunction pabor kina Elias Lintucan laban kay Beverly Labadlabad (📷Elias J TV/Facebook)
Source: Facebook

Ang resolusyon, na pirmado ni Presiding Judge Arvin Sadiri Balagot at inilabas nitong Martes, Setyembre 16, ay nag-utos na pansamantalang hindi maaaring makialam si Labadlabad sa mga professional affairs ng banda habang dinidinig pa ang kaso.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon ng The Law Firm of Torreon and Partners, malinaw ang epekto ng kautusan ng korte: “Habang pending po ang kaso, hindi na puwedeng makialam si Beverly sa mga professional affairs ni Elias at ng banda.”

Sa resolusyon, tatlong partikular na bagay ang ipinagbawal kay Labadlabad: una, ang magrepresenta bilang manager, agent, o authorized representative ng banda; pangalawa, ang pagkolekta o pagtanggap ng anumang bayad para kay Elias at sa banda; at pangatlo, ang pagpasok sa kahit anong kontrata na may kaugnayan sa grupo. Dahil dito, malaya na si Elias at ang kanyang banda na pamahalaan ang kanilang career habang nakabinbin ang kaso.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bilang requirement ng Rule 58 ng Revised Rules of Court, inatasan ang grupo ni Elias na mag-post ng injunction bond na aabot sa P1.5 milyon. Ipinaliwanag ni Atty. Torreon na ito ay pananggalang para sa kabilang panig kung sakaling mapatunayang mali ang naging desisyon ng korte sa pagbibigay ng injunction.

Read also

LTO, sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ng driver sa viral “paa sa manibela” video

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Atty. Torreon ang kasiyahan ng kanyang kliyente: “Alhamdullilah! Na-grant ang Preliminary Injunction ni Elias Lintucan and his band members laban kay Beverly Labadlabad… masaya po siya masyado sa resulta. Salamat po Ya Allah (swt) sa grasya na ito.”

Si Elias Lintucan, kilala rin bilang Elias J T.V, ay isang reggae singer at content creator na sumikat sa social media dahil sa kanyang musika at personalidad online. Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan, nananatili siyang aktibo sa kanyang karera kasama ang kanyang banda. Ang usapin laban sa kanyang dating manager ay nag-ugat mula sa kanilang Artist Management Agreement na nais ipawalang-bisa ng grupo.

Noong Agosto, naiulat na naghain ng reklamong estafa at breach of contract si Beverly Labadlabad laban kay Elias. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, isinumite ni Labadlabad ang kaso matapos umano itong madamay sa mga transaksyong pinasok ng singer at ng kanyang grupo. Nais ng manager na panagutin si Elias sa umano’y paglabag sa kanilang kasunduan. Basahin dito ang ulat

Read also

Maine Mendoza, nagbanta ng legal action laban sa mga nag-akusa kay Arjo Atayde

Samantala, matapos pumutok ang balita tungkol sa kaso, tinanong naman ng fans si Ogie Diaz kung maaari ba siyang maging bagong manager ni Elias. Sa hiwalay na ulat ng Kami.com.ph, nilinaw ni Ogie na wala pa siyang pormal na usapan kay Elias at tinitingnan pa lamang kung posible ang kanilang maging partnership.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate