Limang taong gulang, natagpuang patay sa kanal sa Ilocos Norte
- Natagpuan ang isang limang taong gulang na batang lalaki na wala nang buhay sa isang kanal sa Barangay Sta. Ana, Solsona, Ilocos Norte noong Linggo, Setyembre 14, 2025, matapos siyang mawala mula sa kanilang tahanan nang hindi namamalayan ng kanyang pamilya
- Ayon sa pulisya, huling nakita ang bata ng kanyang lolo bandang alas-11 ng umaga ngunit nang makauwi ang ama nito ay napansin niyang hindi na niya makita ang kanyang anak sa loob ng kanilang bahay
- Sa ginawang paghahanap, nadiskubre ng pamilya ang bata sa isang kanal na tinatayang isang kilometro ang layo mula sa kanilang tirahan, at pinaniniwalaan ng kanyang ama na aksidente itong nahulog sa tubig na noon ay may malakas na agos
- Idineklara ng Municipal Health Officer na dead on the spot ang bata, habang kinumpirma ng mga awtoridad na nasa bahay lamang ang kanyang ina at lolo ngunit hindi nila namalayan na lumabas at naglakad papunta sa kanal ang bata
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang limang taong gulang na batang lalaki ang natagpuang patay sa isang kanal sa Barangay Sta. Ana, Solsona, Ilocos Norte nitong Linggo, Setyembre 14, 2025.

Source: Facebook
Ayon sa ulat ng pulisya, huling nakita ng lolo ang kanyang apo sa kanilang bahay bandang alas-11 ng umaga. Nang makauwi naman ang ama ng bata makalipas ang ilang oras, napansin nitong nawawala ang kanyang anak.
Agad na naghanap ang pamilya hanggang sa matagpuan nila ang bata sa isang kanal na nasa humigit-kumulang isang kilometro ang layo mula sa kanilang tahanan. Pinaniniwalaan ng ama ng biktima na aksidente itong nahulog sa kanal na noo’y may malakas na agos ng tubig.
Idineklara ng Municipal Health Officer na dead on the spot ang bata nang marekober siya mula sa kanal. Ayon pa sa awtoridad, nasa bahay lamang noon ang ina at lolo ng bata, ngunit hindi umano nila napansin na lumabas ito at naglakad patungo sa kanal.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente. Sa ngayon, walang foul play na nakikita at nakatuon ang pagtutok ng pamilya sa pagluluksa at paghahanda sa libing ng bata.
Ang Solsona ay isang bayan sa Ilocos Norte na madalas makaranas ng malakas na agos ng tubig lalo na sa mga kanal at irrigation system tuwing tag-ulan. Karaniwan nang babala ng mga lokal na awtoridad sa mga residente na bantayan ang kanilang mga anak upang maiwasan ang mga ganitong aksidente. Sa kaso ng batang ito, muling lumutang ang usapin ng child safety at pagbabantay sa mga kabataan lalo na sa mga lugar na malapit sa ilog, kanal, o iba pang delikadong lugar.
Kamakailan lamang, isang sanggol naman ang natagpuang palutang-lutang sa isang irrigation canal sa Malolos, Bulacan. Ayon sa mga nakakita, nakasilid sa eco bag ang sanggol na natagpuan sa naturang kanal. Hanggang ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang nag-abandona sa sanggol at kung paano ito napunta sa kanal.

Read also
Diwata, inilahad ang matinding dagok sa negosyo: "Masama ang loob ko, nautangan pa nila ako"
Samantala, isa ring malungkot na insidente ang naganap sa Guagua, Pampanga kung saan nalunod ang isang 10-anyos na bata habang naliligo sa ilog kasama ang kanyang mga kaibigan. Ayon sa ulat, hindi agad napansin ng mga kalaro na hindi na nakakaahon ang bata matapos lumangoy. Kalaunan ay narekober din ang kanyang bangkay, at nagbigay paalala ang mga awtoridad sa kahalagahan ng safety measures sa mga ilog at swimming spots.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh