“Naging one-sided ako”: Vlogger, nag-sorry kay Sen. Kiko sa viral FB post

“Naging one-sided ako”: Vlogger, nag-sorry kay Sen. Kiko sa viral FB post

  • Binatikos ng netizens si Melissa Enriquez matapos murahin si Sen. Kiko Pangilinan sa isang viral post
  • Nagbigay ng clickbait caption si Melissa tungkol sa panukalang “Libreng Almusal Program” ni Sen. Kiko
  • Agad niyang binura ang post at humingi ng paumanhin, aminadong mali ang kanyang choice of words
  • Nilinaw niyang wala siyang intensyong maliitin ang programa at natuto raw siyang maging mas maingat

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matinding pambabatikos ang inabot ng content creator na si Melissa Enriquez matapos niyang murahin si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa isang Facebook post.

“Naging one-sided ako”: Vlogger, nag-sorry kay Sen. Kiko sa viral FB post
“Naging one-sided ako”: Vlogger, nag-sorry kay Sen. Kiko sa viral FB post (📷Melissa Enriquez, Kiko Pangilinan/Facebook)
Source: Facebook

Ang nasabing post ay tungkol sa panukala ng senador na ilipat ang pondo ng flood control projects para pondohan ang “Libreng Almusal Program” para sa mga estudyante.

Sa caption ng kanyang repost, diretsahang sinabi ni Melissa: “Sen. Kiko dati ka bang gg*? Trabaho ang ibigay n’yo sa tao. Hindi puro libre.”* Dahil dito, agad siyang binanatan ng netizens at nakatanggap ng matitinding komento online.

Read also

Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”

Hindi nagtagal, agad ding dinelete ng vlogger ang kanyang post matapos lamang ang walong minuto at naglabas ng public apology. “Alam ko po ang naging reaksyon tungkol sa post ko kay Sen. Kiko, at gusto ko pong humingi ng taos-pusong paumanhin. Aminado ako na hindi ko po napag isipan at naging clickbait ang caption ng post ko (na agad kong dinelete within 8minutes), at lumabas na parang minamaliit ko ang panukalang libreng almusal,” paliwanag niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Melissa, ang nais lamang niyang ipunto ay ang kahalagahan ng trabaho, mataas na sweldo, at libreng edukasyon—mga bagay na kulang pa rin umano para sa maraming pamilya. “Pasensya na po talaga sa naging pagkukulang ko sa pagpili ng salita at sa maling paghahambing ko,” dagdag pa niya.

Sa huli, ibinahagi ni Melissa ang aral na natutunan niya mula sa kontrobersyal na insidente. “Natutunan ko po dito na mas maging maingat at mapanuri bago maglabas ng opinyon, lalo na tungkol sa mga isyung panlipunan.”

Read also

Rappler, humingi ng dispensa kay Robin Padilla at Muslim community matapos maling akusasyon

Sa isang hiwalay na post, nilinaw niya kung bakit siya agad nag-sorry. “NAG SOSORRY PO AKO HINDI PARA MAPATAWAD BUT TO OWN UP NA NAGKAMALI AKO SA WAY KO TO EXPRESS MY OPINION. ANG TANGA BOBO NG NAGING WAY KO PARA I-INSIT YUNG KAGUSTUHAN KO WHEN IN FACT HAWAK NAMAN NG IBANG SENATOR YUNG PROBLEM NA YUN. AND I ADMIT KULANG PA ANG KNOWLEDGE KO WHEN IT COMES SA POLITICS AND I SHOULD BE MORE CAREFUL SA MGA PINOPOST KO SA SOCIAL MEDIA.”

Si Melissa Enriquez ay isang social media content creator na aktibo sa paggawa ng mga opinyon at reaksyon post online. Kamakailan, naging kontrobersyal siya dahil sa kanyang pagbatikos kay Sen. Kiko Pangilinan, isang kilalang mambabatas na tumututok sa mga programang pang-edukasyon at pang-kabuhayan. Kilala rin si Sen. Kiko bilang dating senador at asawa ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Sa ibang balita, tinuldukan ng mag-asawang Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan ang kasong isinampa nila laban kay Cristy Fermin. Ayon sa ulat, umatras ang mag-asawa sa demanda matapos ang konsultasyon at pag-uusap, dahilan para mas mapansin ng publiko ang kanilang pagiging open at mapagpatawad. Ang desisyong ito ay umani rin ng atensyon dahil sa matagal na ring isyu sa pagitan nila at ng veteran showbiz columnist.

Read also

Sen. Ping Lacson, kinumpirma ang pagbisita ng WJ Construction official sa Senado

Samantala, kamakailan ay kinuwestiyon naman ni Sen. Kiko Pangilinan ang sworn statement ng mag-asawang Discaya kaugnay ng isang kaso. Ayon sa kanya, may mga bahagi sa pahayag na tila hindi tugma at dapat linawin. Muli niyang ipinakita ang pagiging aktibong kritiko sa mga isyung may kinalaman sa hustisya at proseso ng batas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate