Bidyo ng aso na pinilit na pinapa-inom ng alak, nag-viral; animal welfare advocacy group, umalma
- Isang animal welfare group, kinondena ang viral video ng aso na pinainom ng alak
- Ayon sa grupo, delikado at toxic ang alak para sa mga hayop
- Samantala, ang uploader ay humingi na ng tawad at sinabing nagkamali siya
- Dagdag pa rito, ang Animal Kingdom Foundation makikipag-usap sa kanya para huwag na maulit
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Youtube
Isang viral video ang ikinagalit ng animal welfare group matapos ipakita na pinilit painumin ng alak ang isang aso.
Sa video, makikitang matapos pakainin ang aso, pilit binuksan ang bibig nito at pinainom ng alak.
May nakasulat pang caption na, "POV: Malakas kumain ng pulutan, uminom ka rin."
Burado na ang orihinal na video, pero nakopya at rine-upload ng ilang netizens hanggang kumalat sa social media.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi ng Animal Kingdom Foundation sa kanilang Facebook page ang screenshots ng insidente at mariing kinondena ito.
Ayon kay Heidi Marquez-Caguioa, program director ng grupo, hindi dapat binibigyan ng alak ang kahit anong hayop dahil toxic ito at maaaring magdulot ng sakit o kamatayan.

Read also
7 pulis Maynila, sinibak sa puwesto dahil umano sa ilegal na pag-aresto sa isang delivery rider
Dagdag pa niya, ang pamimilit na painumin ng alak ang aso ay malinaw na anyo ng animal abuse at cruelty.
Samantala, naglabas ng pahayag ang uploader at humingi ng tawad. Aniya, nagkamali siya at umaasang mapapatawad.
Personal din siyang nagpadala ng mensahe sa grupo at sinabing nagsisisi siya. Binanggit din niya na maayos naman daw ang aso.
Dagdag pa ni Marquez-Caguioa, mali ang paggamit ng mga hayop para lamang sa pagpapatawa o paggawa ng content sa social media.
Paalala niya, may damdamin ang mga hayop at maaari silang masaktan sa maling pagtrato. Plano ng grupo na makipag-usap sa uploader para pagsabihan siyang huwag nang ulitin ang ginawa.
Panuorin ang bidyo na ibinahagi ng '24 Oras Weekend' sa GMA Integrated News YouTube channel:
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh