LTO, sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ng driver sa viral “paa sa manibela” video
- Sinuspinde ng 90 araw ng Land Transportation Office ang lisensya ng driver na nag-viral matapos magmaneho gamit ang kaliwang paa upang hawakan ang manibela
- Ayon sa Department of Transportation, bahagi ito ng mas pinaigting na kampanya laban sa mga iresponsableng drayber na naglalagay sa panganib sa publiko
- Ipinatawag ng LTO ang registered owner at mismong driver ng sasakyan sa Show Cause Order na itinakda ngayong Lunes, Setyembre 15
- Iginiit ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na hindi titigil ang DOTr hangga’t hindi napapanagot ang mga pasaway sa kalsada upang mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista at pedestrian
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ng driver na nag-viral matapos magmaneho nang nakataas ang kaliwang paa at ginagamit ito upang kontrolin ang manibela.

Source: Facebook
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang parusang ito ay bahagi ng mahigpit na kampanya ng Department of Transportation (DOTr) laban sa mga iresponsableng drayber na naglalagay sa kapahamakan ng kapwa motorista at pedestrian.

Read also
Rappler, humingi ng dispensa kay Robin Padilla at Muslim community matapos maling akusasyon
Sa inilabas na Show Cause Order, ipinatawag ng LTO ang registered owner ng sasakyan at mismong driver sa isang pagdinig ngayong Lunes, Setyembre 15. Bukod sa suspensyon ng lisensya, nasa alarma na rin ang naturang sasakyan upang masiguro na hindi ito makakaiwas sa pananagutan.
Giit ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, seryoso ang kanilang kampanya para sugpuin ang mga pasaway sa kalsada. “Hindi titigil ang DOTr sa pagpapanagot sa mga pasaway sa kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng publiko,” aniya. Dagdag pa niya, ang mga ganitong insidente ay hindi biro at dapat magsilbing babala sa iba pang motorista.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa LTO, ang pagpapabaya at iresponsableng asal sa kalsada ay hindi lamang banta sa buhay ng mismong drayber kundi pati na rin sa kapakanan ng iba. Kaya naman pinaigting nila ang pag-monitor sa social media para mas mabilis na matukoy at maaksyunan ang ganitong uri ng mga paglabag.
Naging laman ng social media ang video ng isang driver na tila nagbibirong nagmaneho gamit ang kaliwang paa bilang pangkontrol sa manibela. Umani ito ng libo-libong reaksiyon mula sa netizens na karamihan ay nagalit at nanawagang sampahan ng kaso ang naturang drayber. Sa ilalim ng umiiral na batas trapiko, malinaw na itinuturing na reckless driving ang ganitong klase ng asal sa kalsada.
Ang Land Transportation Office (LTO) ay isang ahensya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) na responsable sa pagpapatupad ng mga batas trapiko at regulasyon sa bansa. Saklaw ng kanilang tungkulin ang pagbibigay ng lisensya sa mga drayber, pagrerehistro ng mga sasakyan, at pagtiyak na ligtas ang mga ito bago payagang bumiyahe sa mga lansangan.
Matatandaang kamakailan ay nag-viral din ang social media vlogger na si Cherry White matapos magpakita ng pagmamaneho nang walang tamang pagsunod sa batas trapiko. Agad siyang pinatawag ng LTO at kalaunan ay boluntaryong isinuko ang kanyang lisensya. Layunin ng aksyon na ito na ipakita sa publiko na walang exempted sa pananagutan sa kalsada.
Sa isa pang insidente, ipinatawag ng LTO ang may-ari ng 19 na motorsiklo na nahuling kasali sa drag race sa Bulacan. Ang naturang mga motorsiklo ay nasamsam matapos ang operasyon laban sa ilegal na karera na nagdudulot ng panganib sa komunidad. Ayon sa LTO, bahagi ito ng mas malawak na hakbang upang ipakita na hindi nila palalagpasin ang mga mapanganib na gawain sa kalsada.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh