Ex-DPWH engineer, naglabas ng litrato ng umano’y bulto ng pera para sa flood control projects

Ex-DPWH engineer, naglabas ng litrato ng umano’y bulto ng pera para sa flood control projects

  • Ipinakita ng dating DPWH engineer na si Brice Hernandez ang ilang litrato ng umano’y bulto ng pera kaugnay sa flood control anomalies
  • Ayon kay Hernandez, kuha ang mga litrato sa loob at paligid ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office noong 2022 hanggang 2023
  • Isa sa mga litratong ipinakita ay nagpapakita ng kanyang dating boss na si Henry Alcantara, habang nakuhanan din ng larawan ang isang stack ng pera sa tinatawag nilang “tambayan”
  • Ayon sa kanya, ang perang ito ay hindi pag-aari ng kanyang boss kundi nakalaan umano para sa mga “proponent” ng mga proyekto at itinuturing nang “normal” sa kanilang opisina

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling lumutang ang isyu ng flood control ghost projects matapos maglabas ng mga litrato ang dating engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Brice Hernandez. Ayon sa kanya, malinaw na patunay ang mga ito ng malalaking pera na sangkot sa mga kontrobersyal na proyekto.

Read also

Korina Sanchez, nagsalita matapos mag-viral muli ang interview niya kay Sylvia Sanchez

Ex-DPWH engineer, naglabas ng litrato ng umano’y bulto ng pera para sa flood control projects
Ex-DPWH engineer, naglabas ng litrato ng umano’y bulto ng pera para sa flood control projects (📷ABS-CBN News)
Source: Youtube

Sa pagdinig nitong Martes, ipinakita ni Hernandez ang litrato ng bulto ng pera na aniya ay kuha sa DPWH Bulacan 1st District Engineering Office mula taong 2022 hanggang 2023. “Ako po ang nag-picture nito kasi diyan lang po ako nakakita ng ganyan karaming pera,” sabi ni Hernandez.

Sa isa pang litrato, makikitang nakatayo ang isang lalaking nakasuot ng asul na polo. Kinilala ni Hernandez ang lalaki bilang si Henry Alcantara, ang kanyang dating boss at dating engineer ng DPWH Bulacan 1st District.

Bukod sa opisina, ipinakita rin niya ang larawan ng isa pang stack ng pera na kuha naman umano sa kanilang “tambayan,” isang pribadong bahay malapit sa opisina. Ayon kay Hernandez, hindi raw pag-aari ni Alcantara ang pera kundi nakalaan umano para sa mga proyekto.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“May mga designated persons po na pagbibigyan niyan. As far as my knowledge is concerned, ibibigay po iyan sa tao, yun nga pong tinatawag na proponent na kausap niya,” paliwanag niya. Gayunman, hindi na raw niya matandaan kung kanino mismo dinala ang nasabing pera.

Read also

DPWH engineer, nagbunyag ng umano’y pagkakasangkot nina Estrada at Villanueva

Mas nakagugulat pa, inamin ni Hernandez na normal na raw makita ang ganoong halaga sa kanilang opisina. “Sa office po namin, normal po iyan,” dagdag niya.

Ang mga rebelasyong ito ay dagdag na impormasyon sa tumitinding kontrobersya sa flood control ghost projects na kinasasangkutan umano ng ilang opisyal at contractor.

Ang flood control ghost projects controversy ay sumiklab matapos ibunyag ang umano’y anomalya sa multi-bilyong pisong flood control projects ng DPWH. Ilang contractors at opisyal ang idinadawit, kabilang ang mga pangalan ng mambabatas at lokal na lider. Inilabas na rin ng Malacañang ang listahan ng 15 construction firms na iniimbestigahan dahil sa umano’y malawakang korapsyon.

Ang mga lumalabas na testimonya at ebidensya, gaya ng mga litrato mula kay Hernandez, ay nagiging bahagi ng mas malaking imbestigasyon ng Senado at iba pang ahensya upang tukuyin ang mga sangkot.

Sa isang pagdinig, nakasagutan ni Senator Jinggoy Estrada ang isang contractor matapos nitong igiit na wala siyang kasalanan sa umano’y ghost flood control projects. Tinanong ng senador kung paano siya makakapagbigay ng impormasyon kung hindi niya kinikilala ang anomalya. Umabot sa tensyon ang palitan ng sagot at tanong, na naging highlight ng pagdinig.

Read also

Curlee Discaya, kinanta ang mga politiko at DPWH officials na sangkot umano sa flood control issue

Samantala, umingay din ang pahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto laban sa mag-asawang Discaya, isa sa mga contractors na idinadawit sa kontrobersya. Ayon kay Mayor Vico, hindi dapat magpaloko ang publiko at huwag magpaikot sa mga “pekeng kwento” na inilalabas umano ng mga ito. Nanawagan siya sa lahat na maging mapanuri sa mga impormasyon at huwag basta-basta maniwala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate