Teacher natagpuang patay sa Datu Odin Sinsuat, nakatali ang kamay at paa
- Isang Arabic teacher mula Aleosan, Cotabato ang natagpuang wala nang buhay sa isang damuhang bahagi ng Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Lunes, Setyembre 8, 2025, kung saan nakagapos ang kanyang kamay at paa at may tama ng bala sa katawan
- Ayon sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), may mga basyo ng baril na narekober sa pinangyarihan na indikasyong doon mismo pinaslang ang biktima, ngunit walang nakakita o nakarinig ng putok dahil malayo ang lugar sa mga kabahayan
- Kinumpirma ni PRO-BAR Spokesperson Lt. Col. Jopy Ventura na kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang makilala ang posibleng salarin at tukuyin ang motibo sa likod ng brutal na pagpatay sa nasabing teacher
- Wala pang malinaw na koneksiyon kung may kaugnayan ang krimen sa trabaho ng biktima bilang teacher, subalit ang insidente ay muling nagbukas ng diskusyon tungkol sa seguridad ng mga educators, lalo na sa mga liblib na lugar sa Bangsamoro region
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang malagim na insidente ang gumulantang sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte matapos matagpuan ang bangkay ng isang teacher na may tama ng bala at nakatali ang mga kamay at paa.

Source: Facebook
Ayon sa ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), natagpuan ang biktima sa isang damuhang bahagi ng Barangay Taviran noong Lunes, Setyembre 8, 2025. Ang nasawi ay kinilalang isang Arabic teacher na nakatira sa Aleosan, Cotabato.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, doon mismo pinatay ang biktima dahil may mga nakuhang basyo ng baril sa pinangyarihan. “May mga na-recover na basyo, allegedly doon siya pinatay, but wala pang nakuha na makapagsabi kung may narinig na putok kasi nga malayo sa kabahayan. Sa ngayon, ongoing pa ang investigasyon for possible apprehension and identification of the suspect,” pahayag ni PRO-BAR Spokesperson Lt. Col. Jopy Ventura.
Wala pang malinaw na motibo ang natutukoy, ngunit patuloy ang pagtutok ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan ng salarin. Sa ngayon, hindi rin nabanggit kung may kaugnayan ang insidente sa trabaho ng biktima bilang teacher.

Read also
Opisyal na pahayag, inilabas kaugnay sa biglaang pagkamatay ng estudyante sa Negros Occidental
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang mga pamamaslang laban sa mga educators ay nagiging sensitibong usapin sa bansa. Madalas silang target ng karahasan sa liblib na lugar, bagay na nagbubukas ng diskusyon tungkol sa seguridad at proteksiyon para sa mga nasa serbisyo. Sa Bangsamoro region, mas nagiging masalimuot ang imbestigasyon dahil sa lawak ng sakop at limitadong presensya ng mga saksi.
Noong nakaraang taon, isang teacher sa Piddig, Ilocos Norte ang napaulat na inatake ng dalawang magkapatid na estudyante. Ayon sa ulat, nagtamo ng sugat ang teacher matapos pagsamantalahan ng mga ito ang sitwasyon habang nasa loob ng paaralan. Naging usap-usapan ang insidente online at nagdulot ito ng panawagan para sa mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan.
Samantala, nagluksa ang komunidad sa Davao de Oro matapos mamatay ang isang teacher na umano’y dahil sa labis na stress sa trabaho. Sa ulat, pinaiimbestigahan ng Department of Education ang principal ng paaralan matapos maiulat na posibleng may kaugnayan ang kanyang pamamalakad sa pagkamatay ng teacher. Naging malaking usapin ito tungkol sa mental health ng mga teacher at kung paano sila masusuportahan ng kanilang institusyon.
Source: KAMI.com.gh