Video ng dalawang estudyante sa Guihulngan muntik matangay ng flash flood, viral

Video ng dalawang estudyante sa Guihulngan muntik matangay ng flash flood, viral

  • Isang nakakakabang video ang kumalat online kung saan makikita ang dalawang batang babae, na sinasabing magkapatid, habang nagyayakapan matapos ma-trap sa rumaragasang flash flood sa Barangay Balogo, Guihulngan City, Negros Oriental habang sila ay pauwi mula sa paaralan
  • Sa kabila ng matinding agos ng tubig na muntik nang kumitil sa kanilang buhay, nagawa ng mga bata na manatiling nakahawak hanggang sa dumating ang mga residente ng barangay na mabilis na nagtulong-tulong upang mailigtas sila mula sa rumaragasang ilog
  • Barangay Chairman Jeffrey de la Rita ay naghayag ng pagkadismaya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) First Engineering District, sinisisi ang ahensya dahil sa hindi pa rin natatapos na P5 milyong spillway project na aniya ay naglalagay sa peligro sa mga kabataang gaya ng dalawang estudyante
  • Habang patuloy na lumalaganap ang video sa social media at nakakaantig ng damdamin ng maraming netizens, nananatili namang nakabinbin ang opisyal na pahayag ng DPWH hinggil sa isyu at sa kanilang panig tungkol sa sinasabing unfinished project sa barangay

Read also

Opisyal na pahayag, inilabas kaugnay sa biglaang pagkamatay ng estudyante sa Negros Occidental

Nakakakilabot na video ang kumalat online matapos ma-trap ang dalawang estudyante—na sinasabing magkapatid—sa flash flood sa Barangay Balogo, Guihulngan City, Negros Oriental nitong Setyembre 7, 2025.

Video ng dalawang estudyante sa Guihulngan muntik matangay ng flash flood, viral
Video ng dalawang estudyante sa Guihulngan muntik matangay ng flash flood, viral (📷Screengrab from from video courtesy of Kap. Jeffrey de la Rita)
Source: Facebook

Sa kuha, makikitang desperadong kumakapit ang dalawang batang babae sa ugat ng puno habang malakas ang agos ng tubig sa ilog na kanilang tinatawid. Ang kanilang simpleng pag-uwi mula sa paaralan ay muntik nang maging trahedya kung hindi dahil sa mabilis na aksyon ng mga residente na sumaklolo. Sa huli, matagumpay na nahila palabas ang magkapatid mula sa rumaragasang ilog.

Barangay Chairman Jeffrey de la Rita, sa isang social media post, ay naghayag ng pagkadismaya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) First Engineering District. Ayon sa kanya, ang P5 milyong spillway project sa Balogo ay nananatiling unfinished at nagdudulot ng panganib sa mga kabataan. Kalakip sa kanyang post ang mga larawan ng hindi pa tapos na proyekto.

“Hanggang ngayon, unfinished project pa rin,” giit ni De la Rita habang pinapakita ang kalagayan ng lugar.

Read also

Ex-partner, patay matapos mauwi sa agawan ng patalim ang mainitang pagtatalo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, hinihintay pa rin ang opisyal na pahayag mula sa DPWH kaugnay ng isyu.

Sa kasalukuyan, binibigyang-diin ng pambansang diskurso ang malawakang isyu sa flood control projects, partikular ang posibleng korapsyon, anomalya, at pangmatagalang pagkaantala ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nagbigay ng pahayag sa Senate Blue Ribbon Committee ang mag-asawang Pacifico at Sarah Discaya—may-ari ng isang construction company—na nagsasabing nasa 17 kongresista at ilang opisyal mula sa DPWH ang humihingi ng 25% na kickback para makakuha ng kontrata sa flood-control projects.

Kamakailan, dalawang lalaki ang nailigtas matapos ma-trap sa imburnal sa Quezon City sa gitna ng malakas na ulan. Ang rescue operation ay tumagal ng ilang oras at naging viral din sa social media, na nagbigay-diin kung gaano kahalaga ang maagap na pagtugon ng mga awtoridad tuwing may sakuna.

Samantala, ang aktres na si Lexi Gonzales ay kabilang sa mga stranded dahil sa malalang pagbaha sa Quezon City. Sa kanyang post, ibinahagi niya ang nakakatensyong sitwasyon kung saan halos hindi na madaanan ang ilang kalsada. Maraming netizens ang naka-relate sa kanyang karanasan, lalo na’t libo-libong commuters ang naapektuhan ng matinding buhos ng ulan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate