Curlee Discaya, kinanta ang mga politiko at DPWH officials na sangkot umano sa flood control issue

Curlee Discaya, kinanta ang mga politiko at DPWH officials na sangkot umano sa flood control issue

  • Ang contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya II, asawa ni Sarah Discaya, ay naglabas ng listahan ng ilang kongresista at DPWH officials na umano’y humingi ng pera kapalit ng proyekto
  • Sinabi niyang walang choice ang kanilang kompanya dahil kung hindi sila susunod ay maaantala o mawawala ang kontrata
  • Ayon kay Discaya, hinihingi raw ng mga opisyal mula 10% hanggang 25% ng halaga ng proyekto
  • Pinangalanan din niya ang ilang DPWH officials na umano’y sangkot sa anomalya sa flood control projects
INQUIRER.net on YouTube
INQUIRER.net on YouTube
Source: Youtube

Sa ikatlong pagdinig ng Senate Blue Ribbon panel noong Lunes, pinangalanan ni contractor Pacifico “Curlee” Discaya II ang ilang kongresista at DPWH officials na umano’y nanghihingi ng pera para sa proyekto ng gobyerno.

Ayon kay Discaya, napilitan silang magbigay dahil kung hindi raw sila susunod, gagawan ng problema ang proyekto tulad ng termination o right-of-way issues.

Pagkatapos nilang manalo sa bidding, may mga opisyal ng DPWH na lalapit para hingin ang kanilang parte sa pondo ng proyekto.

Read also

Henyo Master Joey de Leon, trending sa witty banat tungkol sa contractors

Paliwanag pa niya, ang hinihingi ng mga ito ay hindi bababa sa 10% at umaabot pa hanggang 25% ng halaga ng proyekto.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinangalanan din ni Discaya ang ilang DPWH officials na sangkot umano sa anomalya tulad nina Regional Director Eduarte Virgilio ng Region 5, Director Ramon Arriola III ng UPMO, District Engineer Henry Alcantara ng Bulacan 1st, Undersecretary Robert Bernardo, at iba pa.

Dagdag pa niya, karamihan sa mga opisyal ng DPWH na binanggit ay nagsabi na dapat ibigay kay Zaldy Co ang pera at dapat ay hindi bababa sa 25%.

Ayon din kay Discaya, ilang beses raw binanggit ni Cong. Marvin Rillo na malapit siyang kaibigan ni Speaker Martin Romualdez.

Patuloy ang imbestigasyon ng Senado sa flood control projects na iniugnay sa malawakang korapsyon.

You may watch the video below to know more about this breaking news.

Sarah Discaya is a Filipina businesswoman, philanthropist, and political figure who serves as the Chief Financial Officer of St. Gerrard Construction and Development Corporation. Known for her charitable work such as medical missions and welfare programs, she gained recognition for supporting healthcare, education, solo parents, and senior citizens. In 2025, she ran for mayor of Pasig City with a platform focused on making it a smart city through improved healthcare, digital connectivity, and modern systems, but she lost to incumbent Mayor Vico Sotto. Despite her defeat, she remains noted for her leadership, philanthropy, and advocacy for community empowerment.

Read also

Ramon Tulfo ipinagtanggol si Heart Evangelista laban sa “nepo wife” issue

In a previous report by KAMI, the Bureau of Customs (BOC) will investigate around 40 luxury cars linked to Sarah Discaya’s family. The move came after a viral interview where Discaya showed their collection of high-end cars. BOC will check the consignee of the vehicles to see if there were violations in their importation Discaya has also been connected to contractors of flood control projects now under Senate investigation.

Additionally, Korina Sanchez-Roxas recently posted on her Instagram account. There, she posed in front of a beautiful palace while she was in Disneyland. However, she also made fun of it in relation to the recent issue involving her. She wrote in the first part of her post, "My P10 Million Palace," which was somehow related to the allegations thrown against her by Mayor Vico Sotto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: