Buntis at estudyante, patay matapos malibing nang buhay sa magkahiwalay na landslide
- Dalawang magkahiwalay na insidente ng pagguho ng lupa sa Cordillera at Kalinga ang kumitil ng buhay ng isang walong buwang buntis na ginang at isang Grade 11 student
- Kinilala ang buntis na si Ivy Khate Dizon, 18-anyos, na natutulog sa kanilang bahay sa Brgy. Guinaong, Mankayan, Benguet nang gumuho ang riprap wall at tabunan ang kanilang tahanan
- Sa Tabuk City, Kalinga naman, isang 17-anyos na estudyante ang namatay matapos matabunan ng gumuhong lupa mula sa bundok na bumagsak sa kanilang bahay sa Brgy. Bulanao
- Parehong idineklarang dead-on-arrival ang dalawang biktima sa ospital matapos maiahon sa gumuhong lupa, ayon sa mga awtoridad na nagresponde sa magkaibang lugar
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Dalawang buhay ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pagguho ng lupa nitong Miyerkules sa Cordillera at Kalinga na dulot ng malalakas na ulan mula sa southwest monsoon o habagat. Isang walong buwang buntis na ginang at isang menor de edad na estudyante ang parehong nalibing nang buhay sa loob ng kanilang mga tahanan.

Source: Facebook
Kinilala ng Benguet Police ang nasawing buntis na si Ivy Khate Dizon, 18-anyos at residente ng Brgy. Guinaong, Mankayan. Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyan siyang natutulog sa kanilang bahay nang bumigay ang isang riprap wall at gumuho ang lupa at debris na tumabon sa kanilang tahanan. Agad siyang naisugod sa isang ospital sa Buguias, Benguet ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Samantala, sa Brgy. Bulanao, Tabuk City, Kalinga, isa namang 17-anyos na Grade 11 student ang nasawi matapos matabunan din ng gumuhong lupa mula sa bundok. Ayon kay P/Captain Ruffy Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police, agad na rumesponde ang Tabuk City Disaster Risk Management Office kasama ang mga volunteers ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company. Narekober nila ang katawan ng biktima bandang alas-8 ng gabi, subalit idineklara na rin itong dead-on-arrival sa ospital.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kapwa ang mga insidente ay dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan sa Cordillera Region at Cagayan Valley na nagdulot ng serye ng pagguho ng lupa sa iba’t ibang lugar. Dahil dito, muling ipinaalala ng mga lokal na awtoridad sa publiko na laging mag-ingat lalo na ang mga nakatira malapit sa gilid ng bundok o riprap wall na maaaring bumigay anumang oras sa lakas ng ulan.
Ang Cordillera Region at mga karatig na lugar tulad ng Kalinga ay kabilang sa mga madalas tamaan ng landslide lalo na sa panahon ng habagat at bagyo. Ang ganitong uri ng kalamidad ay mabilis na nagdudulot ng panganib sa mga residente lalo na kung mahina ang estruktura ng bahay o kung malapit ito sa gilid ng bundok. Bukod sa pinsalang dulot sa kabahayan at ari-arian, madalas din itong nagreresulta ng pagkawala ng buhay gaya ng sinapit nina Ivy Khate Dizon at ng 17-anyos na estudyante sa Tabuk.
Isang lalaki sa Laoag City ang nasawi matapos matabunan habang naghuhukay ng balon. Sa ulat, biglang gumuho ang lupa at bumulaga sa kanya habang nasa ilalim ng hukay. Agad siyang isinugod sa ospital ngunit hindi na naiÂsalba ng mga doktor. Isa itong halimbawa ng panganib ng biglaang pagguho ng lupa, lalo na kung walang sapat na safety measures.
Tatlong construction worker naman ang nasawi matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang barracks. Ayon sa mga ulat, biglang bumigay ang lupa sa gilid ng kanilang tinutuluyan kasabay ng malakas na ulan. Tulad ng nangyari kina Dizon at sa estudyante sa Kalinga, hindi na rin sila naisalba kahit agad na rumesponde ang mga rescuer.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh