Lalaki patay matapos barilin ng half-brother gamit ang high-powered firearm sa Cagayan de Oro

Lalaki patay matapos barilin ng half-brother gamit ang high-powered firearm sa Cagayan de Oro

  • Isang 32-anyos na lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin ng sariling half-brother sa Barangay Puerto, Cagayan de Oro City gamit ang high-powered firearm
  • Ayon sa live-in partner ng biktima, nagsimula ang tensyon dahil sa matinding selos bago ito humantong sa pagtatalo sa kapatid na babae at kalaunan ay sa pamamaril ng half-brother
  • Dead on the spot ang biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan habang ang suspek naman ay agad na tumakas pagkatapos ng krimen
  • Kinumpirma ng CDO police na ang 41-anyos na suspek ay dati nang sangkot sa illegal drvgs at may dating conviction, at ngayon ay pinapakiusapan ang pamilya na kumbinsihin itong sumuko

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang madugong insidente ang yumanig sa Barangay Puerto, Cagayan de Oro City matapos na barilin at mapatay ng isang lalaki ang kanyang sariling half-brother gamit ang high-powered firearm. Naganap ang krimen matapos ang serye ng pagtatalo sa loob ng pamilya na nauwi sa matinding galit ng suspek.

Read also

Street dweller, patay matapos saksakin ng lalaking nakasagutan sa Ermita

Lalaki patay matapos barilin ng half-brother gamit ang high-powered firearm sa Cagayan de Oro
Lalaki patay matapos barilin ng half-brother gamit ang high-powered firearm sa Cagayan de Oro (📷Pexels)
Source: Facebook

Kinilala ang biktima bilang isang 32-anyos na lalaki na ayon sa kanyang live-in partner na si Analou, naging seloso at paulit-ulit na nagtatalak tungkol sa mga lalaking kasama niya sa kanyang negosyo. Ang hindi matapos-tapos na argumento ay humantong sa alitan ng biktima at ng kanyang kapatid na babae. Dito na pumasok ang 41-anyos na half-brother at binaril ang biktima.

“Mura’g napungot na tingali sa sigeg yawyaw kay sige man og yawyaw sige man og storya-storya bitaw napungot tingali ang igsuon nga lalaki maoy nigawas dayun gipusil,” ani Analou sa kanyang salaysay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na umabot pa sa ospital ang biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Dead on the spot siya, ayon sa awtoridad.

Samantala, kinumpirma ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) na dati nang sangkot sa illegal drvgs ang suspek. “Ang atong suspetsado na-involve kini sa mga illegal nga activities sama sa illegal drvgs ug naa na kini siya conviction pa niagi nga involved sa illegal drvgs,” pahayag ni Capt. Emilita Simon, tagapagsalita ng COCPO.

Read also

15-buwan-gulang na bata, patay matapos iwan sa loob ng mainit na kotse ng kanya mismong ina

Dagdag pa ni Simon, pinapakiusapan nila ang pamilya na hikayatin ang suspek na sumuko upang mas mapagaan ang mga posibleng kasong kakaharapin niya. “Kung mahimo ma-convince ang pamilya nga tabangan nga maka-surrender ang suspek niadtong shooting incident para mas maubsan ang kaso nga iyang atubangon,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng Revised Penal Code, ang suspek ay maaaring makasuhan ng h0micide o murder depende sa bigat ng ebidensya na ilalatag ng imbestigasyon. Posible ring masampahan siya ng kasong illegal possession of firearms kung mapatunayan na hindi lisensyado ang ginamit niyang baril. Dahil sa kanyang naunang kaso kaugnay ng illegal drvgs, maaari itong maging aggravating factor na magpapabigat sa parusa kung siya ay mapapatunayang guilty.

Hindi ito ang unang beses na naging laman ng balita ang mga krimeng nag-ugat sa loob ng pamilya. Kamakailan lamang, isang 17-anyos na binatilyo ang pumatay sa sarili niyang ina at itinago ang bangkay sa ilalim ng kama. Ang kaso ay nagdulot ng matinding diskusyon online tungkol sa mental health at kung paano maaagapan ang ganitong uri ng trahedya bago pa humantong sa pagdanak ng dugo.

Read also

Pulis, binaril umano ang live-in partner sa Digos City — nanay ng biktima sugatan

Samantala, isang mister sa Cainta ang naging laman din ng balita matapos niyang saksakin ang kanyang misis dahil sa matinding selos. Tumakas ang suspek pagkatapos ng krimen ngunit naiwan ang trauma at takot sa kanyang pamilya. Ang kaso ay nagpatibay sa paalala tungkol sa panganib ng hindi mapigil na emosyon at kawalan ng tamang kontrol sa sarili.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate