12 luxury cars ng mga Discaya, nasamsam at sinelyuhan na ng Bureau of Customs
- Sinelyuhan na ng Bureau of Customs (BOC) ang 12 luxury cars ng Discaya family matapos ang maghapong paghahanap
- Una, dalawang sasakyan lang ang nahanap pero kalaunan ay isinuko rin ang pito pa, habang tatlo ay nasa service centers
- Sinusuri ng BOC ang importation records at nagbabala ng parusa sa pagtatago ng sasakyan
- Matatandaan na si Sarah Discaya ay umamin sa Senado na may 28 luxury cars at ilang construction companies na contractor ng DPWH
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Facebook
Nasamsam at sinelyuhan ng Bureau of Customs ang 12 luxury cars ng pamilya Discaya matapos ang maghapong operasyon.
Nuong una, dalawang sasakyan lang ang nahanap sa kanilang compound sa Pasig: isang Toyota LC300 2024 at Maserati Levante 2022.
Pagsapit ng gabi, pito pang luxury cars ang isinuko sa BOC. Kasama rito ang Rolls-Royce Cullinan, Bentley Bentayga, Mercedes-Benz G-500, Mercedes AMG G 63, Toyota Tundra, Toyota Sequoia, at Cadillac Escalade. Ang tatlo namang natira—isang GMC Yukon Denali at dalawang Lincoln Navigators—ay nasa service centers para umano sa repair.
Ayon sa BOC, nakabantay ngayon 24/7 ang kanilang tauhan at Philippine Coast Guard sa mga sasakyan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sinusuri rin nila ang importation records. Kapag may nakita silang iregularidad, maniningil sila ng tamang buwis at parurusahan ang sinumang nagtatago ng mga sasakyan.
Sa Senado, umamin si Sarah Discaya na may 28 luxury cars sila, hindi 40 gaya ng unang ulat. Kumpirmado rin niyang may siyam silang construction companies, kabilang ang ilang contractor ng DPWH.
Inakusahan ang kanilang mga kumpanya ng umano’y korapsyon sa flood control projects na nagkakahalaga ng P100 bilyon sa nakalipas na tatlong taon.
Pero itinanggi ni Sarah ang maling gawain at iginiit na matagal na silang kumikita bilang contractor.
Naging sentro sila ng isyu matapos lumabas sa mga panayam ang kanilang rags-to-riches story at pagpapakita ng marangyang pamumuhay.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Sarah Discaya is a Filipina businesswoman, philanthropist, and political figure who serves as the Chief Financial Officer of St. Gerrard Construction and Development Corporation. Known for her charitable work such as medical missions and welfare programs, she gained recognition for supporting healthcare, education, solo parents, and senior citizens. In 2025, she ran for mayor of Pasig City with a platform focused on making it a smart city through improved healthcare, digital connectivity, and modern systems, but she lost to incumbent Mayor Vico Sotto. Despite her defeat, she remains noted for her leadership, philanthropy, and advocacy for community empowerment.
In a previous report by KAMI, the Bureau of Customs (BOC) will investigate around 40 luxury cars linked to Sarah Discaya’s family. The move came after a viral interview where Discaya showed their collection of high-end cars. BOC will check the consignee of the vehicles to see if there were violations in their importation Discaya has also been connected to contractors of flood control projects now under Senate investigation.
Additionally, Korina Sanchez-Roxas recently posted on her Instagram account. There, she posed in front of a beautiful palace while she was in Disneyland. However, she also made fun of it in relation to the recent issue involving her. She wrote in the first part of her post, "My P10 Million Palace," which was somehow related to the allegations thrown against her by Mayor Vico Sotto.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh