Street dweller, patay matapos saksakin ng lalaking nakasagutan sa Ermita

Street dweller, patay matapos saksakin ng lalaking nakasagutan sa Ermita

  • Isang palaboy ang nasawi matapos saksakin ng lalaking nakasagutan sa Ermita, Manila
  • Kinilala ang suspek bilang 35-anyos na lalaki mula Leyte na agad na naaresto ng mga pulis
  • Ayon sa barangay opisyal, nagkaroon ng mainit na pagtatalo at suntukan ang dalawa bago ang insidente
  • Live-in partner ng biktima, nanghihinayang dahil baka hindi niya makuha ang labi ng asawa dahil hindi sila kasal

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang trahedya ang yumanig sa Barangay 660-A, Ermita, Manila nitong Martes, Setyembre 2, 2025, matapos bawian ng buhay ang isang palaboy na lalaki na nasaksak ng taong dati niyang nakasagutan. Ang pangyayari ay naganap habang natutulog ang biktima kasama ang kanyang live-in partner at kanilang anak.

Street dweller, patay matapos saksakin ng lalaking nakasagutan sa Ermita
Street dweller, patay matapos saksakin ng lalaking nakasagutan sa Ermita (đź“·Pexels)
Source: Facebook

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang isang 35-anyos na lalaki mula Leyte. Kaagad siyang dinakip matapos ang insidente at kasalukuyang nasa kustodiya ng Manila Police District upang harapin ang kasong murder.

Ayon kay Barangay Kagawad Aries Calaustro, nag-ugat ang insidente sa away na naganap pa noong umaga ng parehong araw. “Naatasan kasi siyang manita nung mga street dweller diyan sa kabilang side ng San Marcelino so nakasagutan niya siguro kaninang umaga tapos ang kwento pa nung iba diyan kasama nagsuntukan nga daw,” ani Calaustro.

Read also

Bangkay ng lalaki natagpuan sa gilid ng kalsada sa Aloguinsan, Cebu

Inamin ng suspek ang ginawa. Depensa niya, inistorbo umano siya ng biktima habang nagpapahinga lang. “Kinursunada niya po ako. Wala naman po akong ginagawang masama eh,” paliwanag niya. Kwento pa niya, sinubukan niyang ibenta ang cellphone niya para makabili ng pagkain ngunit nabigo kaya’t nagpahinga na lamang malapit sa pinangyarihan ng krimen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Natagpuan ng mga pulis ang ginamit na 9-inch na kutsilyo na itinago pa ng suspek sa harapan ng isang hotel.

Samantala, masakit na inalala ni Merycris Dotimas, live-in partner ng biktima, ang mismong sandali ng pananaksak. Habang natutulog umano silang mag-ina kasama ang biktima, biglang sumulpot ang suspek at sinaksak ito. Pinilit pa nilang habulin ang suspek ngunit bumagsak sa kalsada ang biktima at hindi na nakaligtas.

Ngayon, doble ang pasan na sakit at problema ni Dotimas dahil bukod sa pagkawala ng kanyang katuwang sa buhay, maaaring mahirapan siyang makuha ang labi ng biktima dahil hindi sila legal na kasal.

Read also

15-buwan-gulang na bata, patay matapos iwan sa loob ng mainit na kotse ng kanya mismong ina

Ang nasawing lalaki ay kabilang sa mga tinatawag na street dwellers sa Maynila. Araw-araw nilang kinakaharap ang kawalan ng permanenteng tirahan at ang pagsusumikap na makaraos sa gutom. Sa kabila nito, maraming tulad niya ang nakikibaka para mabuhay kasama ang pamilya sa kalsada. Ang insidenteng ito ay muling nagbigay-diin sa kalagayan ng mga palaboy sa lungsod, na madalas ay nagiging biktima ng karahasan o hindi pagkakaunawaan.

Noong Hulyo 2024, nag-viral si Rosmar Tan matapos magbigay ng ₱10,000 sa isang palaboy na naghahangad makahanap ng trabaho. Ipinakita ng kanyang ginawa ang kahalagahan ng pagtulong sa mga walang matuluyan at walang makain, bagay na kaiba sa malungkot na sinapit ng biktima sa Ermita. Ang simpleng tulong ni Tan ay nagbigay inspirasyon sa marami kung paano maaaring baguhin ng malasakit ang buhay ng iba.

Samantala, noong Agosto 2024, naging usap-usapan din ang blooper ni reporter Izzy Lee habang nag-uulat tungkol sa baha. Sa kabila ng seryosong paksa, napangiti ang marami sa social media dahil sa di-inaasahang pagkakamali on-air. Ang insidente ay nagpapaalala na kahit sa gitna ng malulupit na balita, may mga sandaling nakapagbibigay ng magaang pakiramdam sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate