Discaya family may hanggang bukas para patunayan na legal ang kanilang luxury cars — BOC

Discaya family may hanggang bukas para patunayan na legal ang kanilang luxury cars — BOC

  • Dalawa lang sa 12 luxury cars na nasa search warrant ang nakita ng Bureau of Customs sa raid sa property ng Discayas
  • Pinayuhan ng BOC ang pamilya na magdala ng dokumento at bayaran ang tamang buwis kung legal na binili ang mga sasakyan
  • Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, may hanggang bukas ang Discayas para makapagpakita ng papeles
  • Kung walang maipapakitang dokumento, kukumpiskahin ng BOC ang mga sasakyan at iimbestigahan ang mga dealer o broker

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Binigyan ng Bureau of Customs (BOC) ang pamilya Discaya ng pagkakataon na patunayan ang pagiging lehitimo ng kanilang luxury vehicles matapos ang raid nitong Martes. Sa nasabing operasyon, dalawang sasakyan lamang mula sa 12 nakalista sa search warrant ang natagpuan sa kanilang property.

Discaya family may hanggang bukas para patunayan na legal ang kanilang luxury cars — BOC
Discaya family may hanggang bukas para patunayan na legal ang kanilang luxury cars — BOC (📷News5)
Source: Facebook

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, inaasahan niyang magdadala ang Discayas ng mga dokumento ng kanilang mga sasakyan hanggang bukas upang patunayan na tama ang proseso ng pagbili at pag-angkat ng mga ito. “Kung ako sa Pamilya Discaya, para maipakita nila in good faith, dalhin nila dito hanggang bukas,” aniya.

Read also

15-buwan-gulang na bata, patay matapos iwan sa loob ng mainit na kotse ng kanya mismong ina

Dagdag pa niya, “Ipakita nila sa atin ‘yung mga papel upang magkaroon sila ng pagkakataon na mabayaran nang tama — kung talaga namang binili nila ito nang tama.”

Sa ngayon, itinuturing pa ng BOC ang pamilya bilang “buyers in good faith” hangga’t walang lumalabas na ebidensya laban sa kanila. Ngunit kung mapatunayang walang maayos na papeles at hindi nabayaran ang kaukulang buwis, malinaw ang magiging aksyon ng ahensya: “Otherwise… Kukuhanin natin mga sasakyan na ‘yun at titignan natin kung hanggang saan ‘yung pananagutan nung mga mismong nagbenta o nag-import nito,” paliwanag ni Nepomuceno.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang nitong nakaraang raid, Maserati at Land Cruiser lang ang nahanap ng BOC mula sa property ng Discayas. Ang iba pang high-end vehicles gaya ng Rolls Royce Cullinan, Bentley Bentayga, Lincoln Navigator, at Mercedes-AMG G63 ay wala sa lugar nang magsagawa ng inspeksyon ang ahensya.

Binigyang-diin ng BOC na kung makapagpakita ang pamilya ng kumpletong papeles, ililipat nila ang imbestigasyon sa mga dealers at brokers na posibleng sangkot sa ilegal na proseso ng importasyon. “Titignan natin [ang mga] dokumento kung saan sila bumili ng mga sasakyan nila at mga dealers na ‘yan kung tama ba pinagbayaran,” dagdag ni Nepomuceno.

Read also

BOC nakakita lang ng 2 luxury cars sa raid ng Discaya property

Ang pamilya Discaya ay nasa ilalim ng matinding scrutiny matapos lumabas online ang kanilang marangyang pamumuhay. Kilala ang pamilya sa pagkakaroon ng koleksyon ng luxury cars, high-end fashion items, at engrandeng events. Ngunit ang naturang lifestyle ay nagdulot ng tanong mula sa publiko at ilang mambabatas tungkol sa pinagmulan ng kanilang yaman at kung tumatalima ba ito sa tamang proseso ng batas.

Kamakailan, inilabas ni Senadora Risa Hontiveros ang presyo ng ilang luxury cars ng pamilya Discaya sa kanyang opisyal na Facebook page. Ang kanyang post ay nagbigay ng malinaw na larawan ng halaga ng mga sasakyan, na umaabot ng milyon-milyong piso bawat isa. Dahil dito, mas dumami ang panawagan para sa transparency at mas masusing imbestigasyon.

Sa isa pang ulat ng Kami.com.ph, kinumpirma ng BOC na dalawang luxury vehicles lang ang nakita sa raid sa property ng Discayas. Ito ay naging malaking punto ng diskusyon dahil sa laki ng discrepancy sa bilang ng sasakyan na nasa search warrant kumpara sa aktwal na natagpuan. Lalong tumindi ang pagdududa ng publiko kung saan napunta ang mga hindi nakita na luxury cars. Basahin dito

Read also

Marcoleta sa contractors ng flood-control projects: “Magturo na kayo"

Sa gitna ng lahat ng ito, nananatiling malaking tanong kung maipapakita nga ba ng Discayas ang mga dokumentong hinihingi ng BOC, o kung hahantong ito sa pagkakakumpiska ng kanilang mga mamahaling sasakyan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate