Sen. Risa Hontiveros, inilabas ang presyo ng luxury cars ng pamilya Discaya sa FB page
- Ibinahagi ni Sen. Risa Hontiveros sa kaniyang opisyal na Facebook page ang presyo ng luxury cars ng pamilya Discaya
- Ayon sa post, nasa ₱42 milyon ang Rolls Royce ng pamilya at nasa ₱22 milyon ang Maybach Mercedes
- Nadiskubre rin sa Senado na sangkot umano sa smuggling ang isa sa kanilang car dealer
- Nauna nang inamin ni Sarah Discaya na bumili siya ng Rolls Royce dahil lamang sa umbrella feature nito
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Umabot na sa social media ang mainit na usapan hinggil sa Discaya couple at kanilang luxury cars, matapos ibahagi ni Sen. Risa Hontiveros sa kaniyang opisyal na Facebook page ang listahan ng presyo ng mga mamahaling sasakyan ng pamilya.

Source: Youtube
“Presyo ng mga LUXURY CARS ayon kay Sara Discaya, nung tinanong siya tungkol sa mga halaga ng kotse n’ya,” saad sa caption ng post ng senadora na agad umani ng libo-libong reaksiyon at komento mula sa netizens.
Batay sa post ni Hontiveros, pumalo sa ₱42 milyon ang halaga ng kanilang Rolls Royce, na siyang pinakamahal sa koleksiyon. Sumunod dito ang Maybach Mercedes na nasa ₱22 milyon, habang parehong nasa ₱20 milyon naman ang presyo ng kanilang Bentley at Mercedes G 63.
Kasama rin sa koleksiyon ang Range Rover Autobiography na nasa ₱16 milyon, Cadillac Escalade na nasa ₱11 milyon at ₱8 milyon, dalawang GMC Denali na kapwa ₱11 milyon, isang Range Rover Defender na nasa ₱7 milyon, at isang Range Rover Evoke na nasa ₱5 milyon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Para sa karamihan ng netizens, ang simpleng listahan ng presyo ay tila naging simbolo ng sobrang yaman at marangyang pamumuhay ng pamilya Discaya na kasalukuyang iniimbestigahan dahil sa umano’y malaking kita mula sa mga flood control projects.
Hindi lamang presyo ng luxury cars ang tinalakay sa Senado kundi maging ang pinagmulan ng ilan sa mga ito. Ayon kay Sen. Vicente “Tito” Sotto III, nadiskubre na isa sa mga car dealer ng Discaya couple ay sangkot umano sa smuggling.
“Yung sinabi n’ya na Frebel Enterprise, ito yung china-charge ng [Bureau of Customs] ng smuggled Bugatti. Puro smuggled ang sasakyan nito,” pahayag ni Sotto.
Ang pagbubunyag na ito ay lalong nagdagdag ng bigat sa mga tanong hinggil sa pagiging lehitimo ng mga ari-arian ng pamilya Discaya, na dati na ring binatikos sa Senado dahil sa tila hindi tugma ang kanilang lifestyle sa negosyo.
Matatandaang sa nakaraang pagdinig, pinutakti ng tanong ni Sen. Jinggoy Estrada si Sarah Discaya kung totoo bang binili niya ang isang Rolls Royce Cullinan dahil lamang sa payong na naka-feature dito.
“Sir, yes po,” maikli ngunit kumpiyansang sagot ng contractor. Ito ay tugma sa naging pahayag niya sa isang panayam noong 2024 kung saan ibinahagi niyang aliw na aliw siya sa umbrella feature ng luxury SUV.
Si Sarah Discaya at ang kanyang asawa na si Pacifico “Curlee” Discaya ay kilalang mga contractor na may hawak ng malalaking proyekto sa ilalim ng DPWH. Kabilang sa kanilang kumpanya ang Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp. at St. Timothy Construction Corporation na pareho umanong nakinabang nang malaki sa mga flood control projects.
gunit dahil sa kanilang koleksiyon ng halos tatlong dosenang luxury cars at mga naiulat na mansion, ang kanilang pamilya ay naging sentro ng mga tanong ng publiko—at ngayon, ng Senado.
Sa isang naunang ulat ng Kami.com.ph, umamin si Sarah Discaya sa Senado na binili niya ang Rolls Royce Cullinan dahil lamang sa umbrella feature nito. Ang simpleng pag-amin ay agad naging viral at nagdulot ng batikos mula sa publiko na ikinumpara ang kaniyang desisyon sa mga simpleng mamamayang hirap makabili ng pangunahing pangangailangan.
Samantala, sa isa pang report, ipinaliwanag ng contractor ang kanilang mararangyang pamumuhay, na aniya’y bunga umano ng mahigit tatlong dekadang pinaghirapang negosyo ng kanilang pamilya. Ayon kay Discaya, hindi umano galing sa “taxpayers’ money” ang mga ari-arian at luxury cars nila kundi sa sariling kita at investments sa loob ng maraming taon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh