Househelp sa Jaro District, Iloilo City, kinasuhan ng qualified theft matapos tangayin ang P118K

Househelp sa Jaro District, Iloilo City, kinasuhan ng qualified theft matapos tangayin ang P118K

  • Isang househelp na kinuha sa pamamagitan ng online transaction ang tinuturong nagnakaw ng P118,000 sa kanyang employer sa Barangay San Isidro, Jaro District, Iloilo City
  • Sa CCTV footage, makikitang naglakad-lakad ang kasambahay na kinilalang si “Liza” bago umakyat sa ikalawang palapag at bumaba na may dalang plastic bag na naglalaman umano ng pera
  • Ang insidente ay nangyari matapos lamang limang araw mula nang magsimulang magtrabaho si Liza sa pamilya Gonzales noong Agosto 15, 2025
  • Ayon sa pulisya, kinasuhan na ng qualified theft ang suspek habang pinaalalahanan ang mga employer na humingi ng mga kaukulang dokumento gaya ng police clearance at barangay clearance bago kumuha ng kasambahay

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matinding pagkabigla at panghihinayang ang naramdaman ng isang pamilya sa Iloilo City matapos umano’y tangayin ng kanilang bagong kasambahay ang halagang P118,000 cash sa loob lamang ng limang araw mula nang ito’y kanilang kinuha.

Househelp sa Jaro District, Iloilo City, kinasuhan ng qualified theft matapos tangayin ang P118K
Househelp sa Jaro District, Iloilo City, kinasuhan ng qualified theft matapos tangayin ang P118K (📷Luema Gonzales via GMA Regional TV)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV, kinilala ang suspek bilang si “Liza”, 28 anyos, residente ng Tubungan, Iloilo. Ayon sa ulat, kinuha siya ng pamilyang Gonzales sa Barangay San Isidro, Jaro, sa pamamagitan ng isang online hiring arrangement noong Agosto 15, 2025. Ngunit madaling araw ng Agosto 20, nakunan siya ng CCTV na naglakad-lakad sa sala bago umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Makalipas ang ilang minuto, bumaba siya ng may hawak na isang plastic bag na pinaniniwalaang naglalaman ng pera, at tuluyang umalis ng bahay.

Read also

Tricycle, biglang nagliyab sa kalsada sa General Santos; driver nakaligtas

“Pinadalhan ko siya ng message, tinawagan ko siya, hindi na namin siya ma-locate. Ang kanyang number, unreachable na. Sa thorough check namin, doon namin na-found out na ang bag ko nandyan pa, ang pera wala na,” pahayag ng biktima na si Luema Gonzales.

Dagdag pa ni Gonzales, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa pamilya ng suspek ay lumabas na mayroon na itong kinasasangkutang ibang kaso ng pagnanakaw. “May narinig akong may case ng panlalason. Nagising ang nanay ko dahil sa ingay ng aso nang umalis siya. Paggising ng ina ko, after na nang nakalabas na siya,” dagdag pa ng biktima.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ngayon, nakasampa na ang kasong qualified theft laban kay Liza habang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Ayon kay Captain Mavin Laraño, hepe ng Iloilo City Police Station 3, mahalagang maging mas maingat ang mga employer pagdating sa pagkuha ng kasambahay, kahit pa mula sa mga tila lehitimong online platform.

Read also

Dump truck sumalpok sa bahay, lola patay habang inaayos ang tindahan sa Laguna

“Kahit online na legit ang pinapasukan, mag-require talaga tayo ng mga pertinent papers like police clearance, barangay clearance at ID ng mga prospect,” paalala ni Laraño.

Sa panahon ngayon, mas pinapadali ng internet at online platforms ang pagkuha ng kasambahay. Gayunpaman, kalakip nito ang panganib kung hindi masusing titignan ang background at pagkakakilanlan ng mga aplikante. May mga kaso na kung saan ang kawalan ng sapat na dokumento at beripikasyon ay nagiging daan para makapasok ang mga taong may masamang balak.

Bukod sa paghingi ng mga dokumento gaya ng police clearance at valid IDs, mainam ding makipag-ugnayan sa mga barangay o dating employer upang makakuha ng rekomendasyon. Sa ganitong paraan, masisiguro ang kaligtasan ng pamilya at ari-arian laban sa mga posibleng insidente ng pagnanakaw o iba pang krimen.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang isang kasambahay sa kaso ng pagnanakaw. Noong nakaraang taon, si DOTr Asec. Goddess Hope Libiran ay nawalan umano ng alahas at pera matapos umalis ng kanyang bahay para magpabooster. Sa kanyang pagbabalik, natuklasan niyang ang kanyang katulong ang diumano’y tumangay sa mga nawawalang gamit.

Read also

K-Drama 'Mary My Husband' star Song Ha Yoon, kinasuhan dahil umano sa school bullying

Samantala, sa Iloilo rin, isang gulayan ang nilooban ng dalawang kawatan kung saan aabot sa P8,000 halaga ng kita ang nilimas. Naging malaking dagok ito para sa mga nagtatanim na umaasa lamang sa maliit na kita mula sa pagbebenta ng gulay. Ang insidente ay nagbigay babala sa mga maliliit na negosyante na higpitan ang seguridad sa kanilang kabuhayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate