TNVS driver patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Cagayan de Oro

TNVS driver patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Cagayan de Oro

  • Isang TNVS driver at operator ang napatay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagmamaneho ng sedan sa Barangay Balulang, Cagayan de Oro City nitong Agosto 28, 2025
  • Ayon sa pulisya, galing sa paghatid ng pasahero ang biktima bago siya pinaputukan ng hindi pa nakikilalang mga salarin na sakay ng motorsiklo
  • Nakitaan ng hindi bababa sa pitong tama ng bala ang biktima kabilang ang mga fatal shot sa ulo, indikasyon na planado ang krimen ayon sa imbestigador
  • Sa ngayon, inaalam pa ang motibo pero isa sa sinusuri ng pulisya ay ang posibleng personal na isyu kaugnay ng relasyon ng biktima

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nauwi sa malagim na trahedya ang isang biyahe ng transport network vehicle service (TNVS) driver at operator matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Balulang, Cagayan de Oro City nitong Huwebes ng gabi, Agosto 28, 2025.

TNVS driver patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Cagayan de Oro
TNVS driver patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Cagayan de Oro (đź“·GMA Regional TV One Mindanao)
Source: Facebook

Ayon sa paunang ulat ng Police Station 4, katatapos lamang ihatid ng biktima ang kanyang pasahero nang bigla siyang tambangan ng mga armadong lalaki sakay ng motorsiklo. Hindi na nakaligtas ang biktima matapos tamaan ng hindi bababa sa pitong bala, kabilang ang mga malulubhang tama sa ulo.

Read also

Dalawang sakay ng motorsiklo, patay matapos masagasaan ng trailer truck sa Cebu South Coastal Road

“Kini siya giplanohan gyud ni siya sa mga suspek kay fatal man kaayo pagkaigo, gi-ulo man gyud siya,” pahayag ni Major Peter Tajor, hepe ng istasyon.

Bagama’t patuloy pang tinutukoy ang motibo sa likod ng pamamaril, isa sa mga tinitingnan ng mga imbestigador ay ang personal na buhay ng biktima. Ayon kay Tajor, may posibilidad na may kinalaman ito sa isang relasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Wala gyud ni siya gasaba kung na ba siya’y threat. Ang iyang naistorya sa iyang mga suod nga naa siya’y nauyab nga usa ka igsuon nato nga Maranao,” dagdag pa niya.

Bukod dito, iniimbestigahan rin ang huling pasaherong binaba ng biktima malapit sa pinangyarihan ng krimen. Nakontak na umano ng pulisya ang naturang pasahero, ngunit tumangging humarap sa takot para sa kanyang kaligtasan.

“Na-contact na namo tong last (passenger) through cellphone lang pero nagdumili siya sa pagpatim-aw kay accordingly, nakulbaan daw siya, babae, so nakulbaan daw siya ato na gipasaligan, assurance, pero iya man na katungod. Padayon gihapon natong imbestigahan,” paliwanag ni Tajor.

Read also

72-anyos na lolo, patay matapos pagtatagain habang naliligo ng kanya mismong kapatid

Sa ngayon, nire-review na ng mga awtoridad ang mga CCTV footage sa paligid ng insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ang kaso ng TNVS driver ay dagdag lamang sa mahabang listahan ng mga pamamaril na nagaganap sa bansa, kung saan madalas ay riding-in-tandem ang istilo. Sa mga nagdaang taon, marami na ring naitalang insidente kung saan ang mga biktima ay ordinaryong mamamayan lamang na nahaharap sa personal na alitan, o minsan naman ay mga miyembro ng kapulisan at opisyal ng gobyerno.

Ipinapakita nito ang patuloy na hamon ng mga awtoridad sa paglutas ng mga kasong kriminal at sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko, lalo na sa mga lungsod kung saan aktibo ang transport services at iba’t ibang hanapbuhay na may kinalaman sa pakikipagkapwa-tao.

Hindi rin nalalayo ang kasong ito sa iba pang pamamaril na naganap kamakailan sa bansa. Sa Pasay City, isang tangkang pagnanakaw ang nauwi sa barilan na ikinasawi ng isang pulis at ikinasugat ng dalawang sibilyan. Ayon sa ulat, armado ang mga suspek at agad binaril ang mga nagrespondeng pulis, dahilan upang mauwi sa trahedya ang insidente.

Read also

13 masahista sa Pasay, ninakawan; 2 sa kanila, hinalay pa umano

Samantala, sa Dasmariñas, Cavite, isang Meralco technician ang binaril habang ginagampanan ang kanyang trabaho. Kinilala ang biktima na si Rolly Basilio, na ayon sa ulat ay walang kaaway ngunit posibleng napag-initan. Ang insidente ay nagdulot ng pangamba sa komunidad at panawagan para sa mas mataas na seguridad sa mga manggagawa sa field.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate