2 pulis na lalaki, minolestiya umano ang kanilang kabaro na babae sa loob mismo ng patrol car
- Dalawang pulis sa Marikina isinailalim sa preventive custody matapos ireklamo ng babaeng pulis na kanilang minolestiya
- Nangyari umano ang insidente noong August 17 sa loob ng police mobile habang nakaparada
- Ilang araw bago naglakas-loob ang biktima na magsampa ng reklamo laban sa mga kasama niya sa unit
- Posibleng masampahan ng administrative at criminal charges ang dalawang pulis kapag napatunayan ang paratang
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Youtube
Dinisarmahan at isinailalim sa preventive custody ang dalawang lalaking pulis matapos ireklamo ng isang babaeng pulis na kanilang minolestiya sa loob ng patrol car sa Marikina.
Magkakilala ang tatlo at kabilang sa iisang unit.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente noong gabi ng August 17 habang nakaparada ang police mobile.
Isinalaysay ng biktima na hinawakan siya ng isa sa mga kasama niyang pulis sa maselang bahagi ng katawan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ilang araw ang lumipas bago siya nagdesisyong magsampa ng reklamo dahil pinakiusapan umano siya ng mga suspek na huwag nang ipaalam sa iba.
Inilipat muna sa Eastern Police District ang babaeng pulis habang iniimbestigahan ang kaso.
Bagaman maayos ang kondisyon niya ngayon, inilarawan ng mga opisyal na siya ay umiiyak at labis na nalungkot sa nangyari.
Samantala, nasa kustodiya ng Marikina police ang dalawang inirereklamong pulis na may ranggong Patrolman at Staff Sergeant.
Mariin nilang itinanggi ang paratang kaya sisiyasatin pa ng mga awtoridad ang kanilang mga naging kilos noong araw ng insidente.
Sinabi ni Police Brig. Gen. Aden Lagradante, District Director ng Eastern Police District, na sasampahan ng administrative at criminal charges ang dalawang pulis kapag mapatunayan ang alegasyon ng babaeng biktima.
Panuorin ang ulat sa bidyong ito:
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh