401 human skeletal remains, natagpuan sa Taal Lake kaugnay sa kaso ng missing sabungeros

401 human skeletal remains, natagpuan sa Taal Lake kaugnay sa kaso ng missing sabungeros

  • Ayon sa DOJ, nasa kabuuang 401 skeletal remains na ang narekober mula sa Taal Lake
  • Ang mga labi ay natagpuan sa 17 lokasyon sa ilalim ng operasyon ng Philippine Coast Guard mula Hulyo 10
  • Sinuri ang 163 skeletal remains para sa DNA test ngunit wala pang tumugma sa 29 kamag-anak ng mga nawawalang sabungeros
  • Naniniwala ang mga awtoridad na ang karamihan sa mga narekober ay hindi na maisasailalim sa pagsusuri dahil sa malalang pagkasira ng kondisyon ng mga buto

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang matinding update ang lumabas hinggil sa kaso ng missing sabungeros matapos ibunyag ng Department of Justice (DOJ) na umabot na sa 401 human skeletal remains ang narekober mula sa Taal Lake. Ang datos ay nagmula sa Philippine National Police (PNP) Forensic Group at inilatag sa harap ng mga mambabatas sa House committee on human rights hearing nitong Miyerkules, Agosto 27.

401 human skeletal remains, natagpuan sa Taal Lake kaugnay sa kaso ng missing sabungeros
401 human skeletal remains, natagpuan sa Taal Lake kaugnay sa kaso ng missing sabungeros (đź“·ABS-CBN News)
Source: Facebook

“From July 10 up to present, based on the records of the PNP Forensic Group, 401 pieces of human skeletal remains have been recovered from 17 different locations by the Philippine Coast Guard,” ayon kay DOJ Assistant Secretary Eliseo Cruz.

Read also

59-anyos na lalaking magwi-withdraw lang sana, patay matapos magulungan ng 22-wheeler truck

Mula sa kabuuan, 163 skeletal remains ang isinailalim sa DNA testing at ikinumpara sa sample ng 29 kaanak ng mga nawawalang sabungeros. Subalit ayon sa ulat ni Cruz, “None, so far” ang resulta—ibig sabihin ay wala pang tumutugma.

PNP Forensic Group Director Brig. Gen. Danilo Bacas ang nag-ulat na hindi na rin magagamit ang karamihan ng mga natagpuang buto dahil sa matinding pagkasira. Nagsimula ang operasyon matapos lumabas ang testimonya ng isang whistleblower, na dati umanong empleyado ni businessman Atong Ang, at isa rin sa mga akusado sa kaso. Sa kanyang pahayag, sinabi niyang itinapon at nilubog sa Taal Lake ang mga biktima.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagsimula ang malawakang paghahanap nang matagpuan ng mga awtoridad ang isang sako na naglalaman ng sinunog na mga buto, na napatunayang kabilang ang ilan sa mga ito ay human remains. Mula roon ay tuluy-tuloy na ang operasyon ng Philippine Coast Guard at PNP Forensic Group sa paligid ng lawa.

Read also

Julius Babao, todo-tanggi sa P10M issue: “Super fake news!”

Ang kaso ng missing sabungeros ay nagsimula apat na taon na ang nakalipas nang ilang sabungero ang biglang mawala matapos lumabas sa iba’t ibang sabungan. Isa itong malaking kontrobersya na iniuugnay sa operasyon ng e-sabong, na kalauna’y ipinagbawal ng gobyerno.

Makalipas ang ilang taon, lumutang ang isang whistleblower na nagsiwalat ng umano’y ginawang pagtatapon sa mga biktima sa Taal Lake. Naungkat din ang pangalan ng negosyanteng si Atong Ang at ang dating aktres na si Gretchen Barretto dahil sa umano’y pagkakadikit sa kaso. Sa gitna ng lahat ng ito, patuloy ang panawagan ng mga pamilya ng mga nawawala para sa hustisya at katiyakan.

Sa isang ulat ng Kami.com.ph, isang ATM user ang nagbigay ng mahalagang testimonya tungkol sa kaso. Ayon sa witness na nagsilbing whistleblower, siya mismo ang nagbigay ng impormasyon kung paano at saan dinala ang mga nawawalang sabungero. Ang kanyang pagsasalita ay nagbukas ng panibagong linya ng imbestigasyon na siyang naging susi sa paghahanap ng mga labi.

Read also

12 pulis, kinasuhan matapos mamatay ang lalaki sa convenience store incident sa Pasay

Samantala, sa isa pang balita ng Kami.com.ph, iniulat ang pagkakadiskubre ng mga unidentified corpses na nabaon at nahukay habang nagpapatuloy ang search operations. Ayon sa mga eksperto, hindi lahat ng narekober ay maituturing na solidong ebidensya dahil marami sa mga labi ang hindi na makilala. Gayunpaman, nananatiling mahalaga ang mga ito sa pag-usad ng imbestigasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate