Suspected rabid dog, umatake sa mga estudyante ng San Lorenzo National High School

Suspected rabid dog, umatake sa mga estudyante ng San Lorenzo National High School

  • Walong estudyante sa San Lorenzo, Guimaras ang isinugod sa ospital matapos kagatin ng isang aso sa loob ng paaralan
  • Ayon sa teacher, bago pa pumasok ng campus, kinagat na ng aso ang isang estudyante na naglalakad papasok ng eskwelahan
  • Nang tumakbo ang estudyante, sinundan siya ng aso hanggang sa campus at nangagat ng iba pang kabataan
  • Agad na nadakip ang aso sa tulong ng PNP, BFP, at MDRRMO habang ang mga estudyante ay nabigyan ng anti-rabies vaccine at patuloy na inoobserbahan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagdulot ng matinding takot at pangamba sa komunidad ng San Lorenzo, Guimaras ang pag-atake ng isang aso na pinaghihinalaang may rabies sa loob mismo ng isang pampublikong paaralan. Walong estudyante mula sa Remedios E. Vilches-San Lorenzo National High School ang isinugod sa ospital matapos sila’y kagatin ng aso nitong Martes, Agosto 26, 2025, pasado alas-7 ng umaga.

Suspected rabid dog, umatake sa mga estudyante ng San Lorenzo National High School
Suspected rabid dog, umatake sa mga estudyante ng San Lorenzo National High School (📷Pixabay)
Source: Original

Ayon kay Myrna Gania, isang teacher sa naturang paaralan, unang nakagat ng aso ang isang estudyante na naglalakad sa labas ng campus, humigit-kumulang 100 metro mula sa eskwelahan. Nang tumakbo ang nasabing bata papasok ng paaralan, sinundan umano siya ng aso at doon na sinimulan ang panibagong pag-atake. “Una niyang kinagat sa labas, tapos nung tumakbo papasok, doon na rin nangagat ng iba pang estudyante,” paglalarawan ni Gania.

Read also

Lolang biktima ng hit-and-run sa Marikina, sugatan

Hindi pa man natatapos ang kaba, lumalabas na dalawang tao na rin ang nakagat ng parehong aso isang araw bago ang insidente. Dahil dito, agad na inobserbahan ang lahat ng biktima at binigyan ng anti-rabies vaccine upang maiwasan ang posibleng komplikasyon.

Samantala, agad namang rumesponde ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang masakote ang naturang aso. Sa ngayon, patuloy pa rin ang monitoring sa kalagayan ng mga estudyante.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagpahayag naman ng pangamba si Gania dahil sa tumataas na bilang ng mga asong gala sa kanilang bayan. Aniya, mas lumalaki ang banta sa mga estudyante at residente kung hindi ito matutugunan agad. “Nakakabahala na dumarami ang stray dogs dito sa San Lorenzo. Lalo na’t estudyante ang naaapektuhan,” dagdag ng teacher.

Ang rabies ay isa sa mga pinakanakamamatay na sakit na nakukuha mula sa kagat ng hayop, partikular ng aso. Ayon sa Department of Health (DOH), mahigit 200 Pilipino ang namamatay kada taon dahil sa rabies, at karamihan dito ay mga bata. Bagama’t may bakuna laban sa rabies, nananatiling hamon ang mabilis na pagkakaloob ng post-exposure prophylaxis (PEP) lalo na sa mga probinsya.

Read also

14-anyos na babaeng estudyante, patay matapos aksidenteng madikit sa live wire

Ang pangunahing sanhi ng patuloy na kaso ng rabies sa bansa ay ang kawalan ng regular na dog vaccination programs, kawalan ng responsableng pet ownership, at pagdami ng mga stray dogs sa mga komunidad. Dahil dito, hindi lamang mga residente kundi lalo na ang mga kabataan sa paaralan ang nagiging biktima.

Kamakailan lamang ay naitala rin ang isang trahedya kung saan isang 6-anyos na bata ang namatay matapos makagat ng kanilang alagang tuta. Base sa ulat, hindi agad nabakunahan ang bata kaya’t kalaunan ay nagpakita ng sintomas ng rabies na humantong sa kanyang pagkamatay. Ang insidenteng ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng agarang pagpapabakuna sa oras na makagat ng aso, kahit ito ay sariling alaga.

Samantala, matinding takot din ang bumalot sa Iloilo nang isang asong gala ang nakapangagat ng mahigit 20 tao bago ito tuluyang nahuli. Marami sa mga nakagat ang agad na dinala sa health facilities upang mabakunahan, ngunit nagdulot pa rin ito ng panic sa buong barangay. Ang nasabing insidente ay nagpatunay kung gaano kalaking banta ang mga stray dogs sa kaligtasan ng komunidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate