Arnold Clavio, nagbigay ng matinding pahayag laban sa akusasyon ni Vico Sotto
- Naglabas ng matapang na saloobin si Arnold Clavio laban sa mga pahayag ni Mayor Vico Sotto kaugnay sa umano’y bayad na interview nina Julius Babao at Korina Sanchez
- Hinamon ni Clavio ang mayor na maglabas ng matibay na ebidensiya imbes na magbigay ng pasaring o haka-haka
- Ayon kay Clavio, hindi lamang personal na atake kina Babao at Sanchez ang nasabing isyu kundi banta rin ito sa kredibilidad ng buong industriya ng pamamahayag
- Nilinaw niya na hindi siya pumapanig kundi ipinagtatanggol niya ang propesyon laban sa mapanirang alegasyon at umapela ng respeto sa pagitan ng gobyerno at media
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Naglabas ng matinding pahayag ang beteranong mamamahayag na si Arnold Clavio kaugnay ng isyu sa pagitan nina Pasig City Mayor Vico Sotto, Julius Babao, at Korina Sanchez. Sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, Agosto 22, direkta niyang tinukoy ang mga pahayag ni Mayor Vico mula sa Facebook post nito tungkol sa mga journalist na umano’y tumatanggap ng pera kapalit ng panayam.

Source: Instagram
“Mayor, kung mayroon kang matibay na ebidensiya laban kina Babao at Sanchez, na nagpabayad sa mag-asawang Discaya para sila ay makapanayam, ilantad mo,” ani Clavio.
Ayon kay Clavio, hindi niya inaasahan na sa isang tulad ni Sotto magmumula ang “napaka-iresponsableng pahayag.” Pinunto niya na kung walang konkretong basehan ang alegasyon, hindi nararapat na ihulog sa maling paratang ang mga kapwa niya mamamahayag. “Huwag kang magtago sa mga pasaring, parinig o haka-haka, dahil sa industriya namin mahalaga ang terminong ‘verification’ ng facts sa pagbabalita,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin din ni Clavio na dumaraan sa tamang proseso ang bawat panayam na ginagawa nila at masusing sinasala bago mailabas sa ere o sa anumang plataporma. Para sa kanya, ang naging akusasyon ni Sotto ay hindi makatarungan—hindi lang laban kina Babao at Sanchez kundi pati sa buong industriya ng pamamahayag.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nilinaw ni Clavio na wala siyang kinikilingan sa dalawang personalidad at ang kanyang layunin ay protektahan ang propesyon na pinagmumulan ng impormasyon ng publiko. “Hindi ito para ipagtanggol ko ang dalawang mamamahayag sa paninira ni Sotto kundi ang ma-proteksyunan ang buong industriya ng pamamahayag - na kinukuhanan ng impormasyon ng publiko,” pahayag niya.

Read also
Mga anak ni Nadia Montenegro, naglabas ng pahayag ng suporta sa kanilang ina sa gitna ng Senate controversy
Dagdag pa ni Clavio, mas pinapahirap ng social media ang sitwasyon ng media industry dahil sa dami ng gustong sirain at kuwestiyunin ang kredibilidad ng mga pahayagan sa bansa. Kaya naman naniniwala siyang ang mga ganitong akusasyon ay lalo lamang nagbubunga ng pagdududa at maling pananaw laban sa mga mamamahayag.
Sa huli, hiniling ni Clavio na pairalin ang respeto sa pagitan ng mga lider at mamamahayag. “May trabaho ka. May trabaho rin kami. Respeto. Walang Personalan,” pagtatapos niya.
Si Arnold Clavio ay isa sa mga kilalang radio at television newscaster at TV host sa bansa, may dekadang karanasan bilang mamamahayag. Kilala siya sa kanyang matapang na estilo sa pagbabalita at sa pagbibigay ng opinyon sa mga isyu sa lipunan. Dahil dito, hindi nakapagtataka na magsalita siya sa gitna ng isyu na kinasasangkutan ng kanyang mga kasamahan sa industriya upang ipagtanggol ang kredibilidad ng media laban sa mga akusasyong walang sapat na ebidensiya.
Sa kasagsagan ng usapin tungkol kay Mayor Vico, naging viral din ang post ng aktor na si Gardo Versoza. Sa kanyang social media account, ibinahagi niya ang kanyang “huling baraha” na may patutsada umano kay Mayor Vico. Umani ng samu’t saring reaksyon ang kanyang pahayag mula sa netizens na hati ang opinyon kung tama o mali ang banat ng aktor.
Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang kampo ni Korina Sanchez matapos madamay ang kanyang pangalan sa post ni Mayor Vico. Ipinaliwanag ng kanyang team na malinaw na walang anumang anomalya sa panayam at hindi kailanman tinanggap ang pera kapalit ng interview. Ipinunto nila na ang layunin lamang ng panayam ay maghatid ng impormasyon, at walang kinalaman ang politika o anumang pondo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh