May-ari ng 19 na mga motor na sangkot sa drag race sa Bulacan, pinapatawag ng LTO
- Naglabas ang LTO ng show cause orders laban sa 19 may-ari ng motorsiklong sangkot sa ilegal na karera sa San Rafael, Bulacan
- Ang mga may-ari ay pinatawag sa central office ng LTO sa Quezon City sa darating na Agosto 27
- Aabot sa 12 menor de edad, kabilang ang pitong taong gulang, ang nadawit sa drag racing
- May naitalang aksidente kung saan isang rider na tumatakas ay nakabangga ng isang bata
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Naglabas ng show cause orders ang Land Transportation Office (LTO) laban sa mga may-ari ng 19 motorsiklong nasangkot sa ilegal na karera sa bypass road sa San Rafael, Bulacan.
Ayon sa ahensya nitong Huwebes, inatasan ang mga may-ari ng motorsiklo na humarap sa kanilang central office sa Quezon City sa Agosto 27.
Ayon sa LTO, kapag hindi sumipot at nagbigay ng nakasulat na paliwanag ang mga may-ari, ituturing itong pag-waive ng kanilang karapatan na marinig at pagbabasehan na lamang ng ahensya ang mga hawak na ebidensya.
Posibleng kasuhan ang mga sangkot dahil sa iba’t ibang paglabag gaya ng kawalan ng lisensya, reckless driving, hindi pagsusuot ng helmet, pagmamaneho nang walang plaka, at pagiging hindi karapat-dapat na mag-operate ng sasakyan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naka-impound na rin ang mga motorsiklong sangkot.
Tignan ang Facebook post ng LTO patungkol dito:
Sa ulat ng pulisya na binanggit ng LTO, ang mga riders ay nagsagawa pa ng exhibition nang walang suot na helmet, lisensya, at plaka.
Lalo pang ikinagalit ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza ang pagkakasangkot ng hindi bababa sa 12 menor de edad, na ang pinakabata ay pitong taong gulang.
Kabuuang 12 katao ang naaresto habang 12 menor de edad na nasa edad pito hanggang 16 ang nahuli sa operasyon noong Agosto 17 sa Mabalas-Balas - Galas-Maasim Bypass Road.
Isa sa mga rider na tumatakas ay nakabangga pa ng isang bata.
Giit ni Mendoza, hindi palalampasin ng LTO ang insidente lalo na’t may aksidente at may batang nadamay habang tumatakas ang mga sangkot.

Read also
Ina ng 7-anyos na pinaslang sa Dagupan, nagsalita matapos madakip ang ama at madrasta ng bata
Panuorin ang bidyong ito:
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh