OFW na ina ng 5-anyos na nahuling sinasaktan ng boyfriend, sasampahan kaso kapatid na nag-video
- OFW na ina, walang planong kasuhan ang kinakasama na nahuli-cam na nanakit umano sa anak
- Mas nais niyang sampahan ng kaso ang kapatid na nag-post ng video sa social media
- Kapatid, iginiit na ipinost ang video para makamit ang hustisya ng pamangkin
- Caloocan Social Welfare, handang kupkupin ang bata kung mapatunayang hindi ligtas sa ina o tiyahin
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Walang balak ang isang overseas Filipino worker (OFW) na sampahan ng kaso ang kaniyang kinakasama na nakuhanan ng video na diumano’y nanakit sa kaniyang limang taong gulang na anak.

Source: Getty Images
Sa halip, nais niyang kasuhan ang sarili niyang kapatid dahil sa paglalathala ng naturang video sa social media.
Sa ulat ni Jonathan Andal sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, ibinahagi ng ginang na matindi ang kaniyang dinaranas na panghuhusga mula sa netizens matapos kumalat ang video.
“Sobrang stress ko po dito, doon dahil sa ginawang post po ng kapatid ko na ‘yon. Iaatras ko po ‘yung kaso ng jowa ko, Sir. Kasi binastos na rin ho ako sa social media. Sirang-sira na rin ho ako,” pahayag ng OFW.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa niya, “So pag-uwi ko ang kakasuhan ko ‘yung kapatid ko. Sobra ho ‘yung paninirang ginawa sa akin sa social media ho Sir. Kasi hindi ko sinabing i-post ‘yung video ng anak ko Sir. Iniingatan ko ‘yung privacy ng anak ko.”
Ayon sa kapatid, inilabas niya ang video upang maipaglaban ang kaniyang pamangkin na umano’y sinaktan ng nobyo ng ina.
Nauna nang lumabas ang ulat na sinampal, sinipa, at sinakal ng lalaki ang bata, bagay na mariin nitong itinanggi.
Samantala, itinuro ng OFW na kapatid mismo niya ang nanakit din sa bata, bagay na itinanggi naman nito. Iginiit pa ng tiyahin na hindi niya hahayaang ibalik sa ina ang bata.
Ayon sa Caloocan Social Welfare, maaari nilang kupkupin ang bata kung mapatunayang hindi ito ligtas sa poder ng ina o ng kaniyang tiyahin.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh