Lalaki, inaresto pagkatapos mag-shoplift para masustentohan ang pagkakalulong sa droga
- Arestado ang 21-anyos na si Niño Rey Maglinis Cosido sa Cebu City matapos magnakaw ng alak
- Dalawang bote ng Johnnie Walker whisky na nagkakahalaga ng libo-libong piso ang tinangay
- Inamin ng suspek na ginawa niya ito para makabili ng shabu
- Kakaharapin ni Cosido ang kaukulang kasong kriminal
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Arestado ang isang 21-anyos na lalaki matapos magnakaw ng dalawang bote ng mamahaling whisky sa isang supermarket sa Cebu City nitong Martes ng umaga, Agosto 19.

Source: Getty Images
Kinilala ang suspek na si Niño Rey Maglinis Cosido, residente ng Barangay Guadalupe, Cebu City.
Ayon sa imbestigasyon, napansin ng mga security personnel ng supermarket ang kahina-hinalang kilos ni Cosido habang nasa loob ng establisimyento.
Hindi alam ng suspek na mahigpit siyang minamanmanan ng mga guwardiya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nakita umano siyang kinuha ang dalawang bote ng Johnnie Walker whisky na nagkakahalaga ng libo-libong piso at nagtangkang lumabas nang hindi nagbabayad. Agad siyang pinigilan at dinala sa pulisya.
Sa Abellana Police Station, inamin ni Cosido na nag-shoplift siya upang makabili ng shabu.
“Shoplifting lang po, para may pambili ako ng shabu,” aniya.
Ayon sa pulisya, ihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek. Pinuri rin ng mga awtoridad ang mabilis na aksyon ng security personnel na nakahuli kay Cosido bago pa man ito tuluyang makatakas.
Patuloy naman ang paalala ng mga pulisya sa publiko na maging mapagmatyag at i-report agad ang mga kahina-hinalang kilos upang maiwasan ang mga ganitong insidente sa mga establisimyento.
Nagpahayag na ang Department of Health (DOH) na ang drug addiction ay isang seryosong public health concern.
“Ang paggamit ng ipinagbabawal na droga ay hindi lamang usaping kriminal, kundi isang kondisyon na nangangailangan din ng tamang interbensyon at rehabilitasyon,” ayon sa DOH.
Hinimok din nila ang publiko na magtulungan upang maisulong ang rehabilitasyon at maiwasan ang patuloy na pagkalat ng droga sa lipunan.
News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable stories that people could easily understand and relate in their lives.
In other news, a 60-year-old Okayama teacher was fired for working part-time at a convenience store, violating Japan’s strict ban on secondary jobs for public school teachers, Bombo Radyo reported. The school principal confirmed the violation after personally visiting the store on the teacher’s rest day. The teacher admitted taking the job in November 2023 to supplement her reduced salary after being rehired post-retirement. The case sparked online debate over Japan’s prohibition on side jobs, with critics questioning its fairness for honorable, off-duty work.
Still in other news, the parents of two of the students injured by falling debris in Quezon City have issued a statement detailing their sons' conditions and calling for accountability. One son is in critical condition and requires surgery, while the other sustained injuries and is traumatized. The families are requesting an expedited investigation and plan to pursue legal remedies against those deemed negligent. The parents expressed gratitude for the support received and acknowledged the assistance of Quezon City Mayor Joy Belmonte and other local officials.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh