Amerikanong pastor, iniimbestigahan sa Pampanga dahil umano sa pang-aabuso sa mga bata

Amerikanong pastor, iniimbestigahan sa Pampanga dahil umano sa pang-aabuso sa mga bata

  • Isang Amerikanong pastor na kinilalang si Jeremy Keith Ferguson ang nahaharap ngayon sa mga kaso ng pang-aabuso matapos ireklamo ng ilang bata sa kanyang pasilidad sa Pampanga na umano’y nakaranas sila ng pisikal, verbal, at psychological abuse habang nasa ilalim ng kanyang pangangalaga
  • Mahigit 160 bata ang inilipat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang proteksiyon matapos ang isinagawang spot inspection ng Standards Bureau team kung saan lumabas ang mga paratang laban kay Ferguson at ilan pang house parents
  • Agad na naglabas ng cease-and-desist order si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian noong Agosto 13 upang pigilan ang operasyon ng pasilidad at inaresto rin si Ferguson na ngayon ay nahaharap sa dalawang bilang ng paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act
  • Habang sinisiguro ng DSWD na ligtas na at may psychosocial support ang mga bata, nanawagan naman si Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. para sa isang patas at maingat na imbestigasyon upang matiyak na ang proteksiyon ng mga bata ay maisasabay sa pagrespeto sa karapatan ng taong inirereklamo

Read also

Bureau of Customs nakipag-ugnayan kay Bela Padilla ukol sa isyu ng import duties

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang Amerikanong pastor sa Pampanga ang iniimbestigahan ngayon dahil sa reklamong pang-aabuso sa mga bata. Kinilala siya bilang si Pastor Jeremy Keith Ferguson, 48 anyos, founder at director ng New Life Baptist Church of Mexico, Pampanga, Inc.

Amerikanong pastor, iniimbestigahan sa Pampanga dahil umano sa pang-aabuso sa mga bata
Amerikanong pastor, iniimbestigahan sa Pampanga dahil umano sa pang-aabuso sa mga bata (📷Pexels)
Source: Original

Ayon sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), lumabas ang mga alegasyon matapos magsagawa ng spot monitoring ang kanilang Standards Bureau team noong Agosto 12. Ilang bata umano ang nagsabi na nakaranas sila ng abusong pisikal, verbal, at psychological mula kay Ferguson at ilang house parents.

Dahil dito, agad naglabas ng cease-and-desist order si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian noong Agosto 13. Kinabukasan, inilipat ang 160 bata sa kustodiya ng DSWD at inaresto si Ferguson.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakasaad sa ulat ng DSWD na nahaharap siya ngayon sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 10 (a) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abus3 Exploitation, and Discrimination Act. Ang bawat kaso ay may kaukulang piyansa na P80,000. Gayunman, ayon sa DSWD, hindi siya maaaring makalaya dahil mayroon din siyang immigration case at isinama na sa watchlist ng Bureau of Immigration.

Read also

Mag-asawa, nagbenta ng tickets para sa guests na gustong dumalo sa kanilang kasal

Tiniyak ng DSWD na ligtas na ang mga bata at kasalukuyang tumatanggap ng psychosocial support at iba pang interbensyon mula sa mga social worker.

Samantala, nanawagan si Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., chair ng House Committee on Human Rights, ng patas na imbestigasyon. “The more serious the allegations, the greater the need to establish the truth with care and impartiality,” aniya. Dagdag pa ni Abante, dapat manatiling balanse ang pagtugon: “We must do what is necessary to protect our children, but we must do so consistent with the basic principles of human rights.”

Ang mga ganitong ulat ay muling nagpapaalala sa publiko ng pangangailangan ng masusing pagbabantay sa child care facilities. Ang mga institusyong inaasahang magbibigay ng ligtas na kanlungan ay dapat maging lugar ng proteksyon, hindi ng pangamba. Sa ilalim ng batas, tungkulin ng mga ahensya at organisasyong may akreditasyon na tiyakin ang pisikal at emosyonal na kaligtasan ng mga batang kanilang inaalagaan.

Read also

Post ni Gardo Versoza tungkol kay Mayor Vico Sotto, viral: "Ang huling baraha"

Sa ibang kaso ng pang-aabuso sa bata, isang lalaki ang inaresto matapos umano niyang gahasain ang isang Grade 2 pupil. Ayon sa report ng Kami.com.ph, ang insidente ay nagdulot ng matinding panawagan para sa mas mahigpit na child protection policies at mas mabilis na pagtugon ng awtoridad.

Samantala, isang lalaki naman ang naaresto matapos umanong gawing hostage ang isang menor de edad sa isang palengke sa Bulacan. Naging tensyonado ang sitwasyon bago tuluyang masagip ng pulisya ang bata. Ang insidente ay nagbigay-diin muli sa kahalagahan ng agarang aksyon ng mga otoridad sa mga kaso ng child endangerment

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate