8 shih tzus patay sa sunog; ina ng mga aso, binalikan pa mga puppies
- Sunog sa Bagabag, Nueva Vizcaya, ikinamatay ng walong tuta at tumupok sa paninda ng isang nangungupahan
- Nagsimula umano ang apoy sa nakasaksak na electric fan na posibleng nag-overheat
- Inang aso lang ang nailigtas; bumalik ito sa pitong tuta na nasawi sa sunog
- Ayon sa BFP, maraming nanood at nag-video ngunit walang tumulong bago dumating ang bumbero
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Labis ang hinagpis ng isang nangungupahan sa Barangay San Geronimo, Bagabag, Nueva Vizcaya matapos masunog ang kanilang mga alagang aso at mga paninda noong Huwebes ng umaga, August 14.

Source: UGC
Batay sa imbestigasyon ng Bagabag-Bureau of Fire Protection (BFP), napansin umano ng anak ng nangungupahan na amoy sunog ang lugar hanggang sa makita niya ang apoy mula sa isang kwarto sa ground floor, ayon sa ulat ng ABS-CBN.
Sinubukan pa nitong apulahin ang apoy ngunit hindi na kinaya kaya humingi siya ng tulong.
Sa pagsisiyasat ng BFP, nagsimula ang sunog sa isang nakasaksak na electric fan na nakatutok sa alagang shih-tzu na may pitong anak.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Posibleng nag-overheat ang electric fan at pumutok ang mga bombilya, at mabilis na kumalat ang apoy dahil nakadikit ito sa kahoy na pader.
Ayon sa ulat, ginapang pa ng may-ari ang kanyang mga aso upang mailigtas ang mga ito, ngunit ang inang aso lamang ang nakuha palabas.
Bumalik umano ito upang kunin ang kanyang mga pitong tuta, dahilan upang mamatay silang lahat sa sunog.
Ipinaliwanag ng BFP na plano pa sanang iligtas ang mga alaga kung kakayanin, ngunit marupok na ang istruktura ng bahay at delikadong bumagsak.
Dagdag pa ng imbestigasyon, maraming residente ang nakakita at nag-video sa insidente ngunit walang tumulong sa pag-apula ng apoy bago dumating ang mga bumbero.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang pinsala, habang pinaaalalahanan ang publiko sa maingat na paggamit ng mga kagamitang de-kuryente upang maiwasan ang ganitong trahedya.
News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable stories that people could easily understand and relate in their lives.
In other news, a 60-year-old Okayama teacher was fired for working part-time at a convenience store, violating Japan’s strict ban on secondary jobs for public school teachers, Bombo Radyo reported. The school principal confirmed the violation after personally visiting the store on the teacher’s rest day. The teacher admitted taking the job in November 2023 to supplement her reduced salary after being rehired post-retirement. The case sparked online debate over Japan’s prohibition on side jobs, with critics questioning its fairness for honorable, off-duty work.
Still in other news, the parents of two of the students injured by falling debris in Quezon City have issued a statement detailing their sons' conditions and calling for accountability. One son is in critical condition and requires surgery, while the other sustained injuries and is traumatized. The families are requesting an expedited investigation and plan to pursue legal remedies against those deemed negligent. The parents expressed gratitude for the support received and acknowledged the assistance of Quezon City Mayor Joy Belmonte and other local officials.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh