PNP Chief Nicolas Torre sa mga adik: "Lahat ng adik, pangit"

PNP Chief Nicolas Torre sa mga adik: "Lahat ng adik, pangit"

  • Limang estudyante sa Palawan, arestado sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta ng “tuklaw” o black cigarettes na may halong synthetic cannabinoid
  • “Tuklaw” na sigarilyo, nagdudulot umano ng pangingisay sa mga gumagamit, ayon sa pulisya
  • PNP nagpapatuloy ng imbestigasyon at sinisilip ang posibleng pinanggagalingan at ruta ng ilegal na droga
  • PNP Chief Torre nagbabala sa kabataan laban sa paggamit ng “tuklaw” at ibang uri ng ipinagbabawal na gamot
Nicolas Torre III on Facebook
Nicolas Torre III on Facebook
Source: Facebook

Binigyang-diin ni PNP Chief General Nicolas Torre III ang panganib ng ilegal na droga matapos mahuli sa Puerto Princesa, Palawan ang limang estudyante na pinagmulan umano ng sigarilyong tinatawag na “tuklaw” o black cigarettes.

May halo umanong synthetic cannabinoid ang sigarilyo na ito, na nagdudulot ng pangingisay sa mga humihithit.

Ayon sa ulat ng GMA News “24 Oras,” nahuli ang mga estudyante na may edad 19 hanggang 25 sa isang buy-bust operation.

Sinabi ni Police Colonel Cristine Tabdi, acting director ng Puerto Princesa City Police, na ang mga naaresto ay kinilalang source ng “tuklaw” sa lungsod.

Read also

Driver na pinagmaneho ang anak na naka-kandong, nasampolan ng DOTr

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa synthetic cannabinoid, nakakuha rin ng marijuana mula sa kanila. Mahaharap ang mga suspek sa kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Matatandaan na kumalat sa social media ang video ng ilang kabataan na nangingisay sa gilid ng daan matapos umanong humithit ng “tuklaw.”

Dahil dito, ipinag-utos ng PNP ang mas malalim na imbestigasyon para matukoy ang pinagmumulan ng droga at masawata ang pagkalat nito.

Base sa imbestigasyon, ibinebenta umano online ang “tuklaw,” kung saan ang isang milliliter ng synthetic cannabinoid ay nagkakahalaga ng P300.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung saan ito kinukuha ng mga suspek. Sinusuri rin ang mga posibleng ruta ng ilegal na bentahan.

Nagbigay ng babala si Torre lalo na sa mga kabataan na huwag subukan ang paggamit ng “tuklaw” at iba pang ipinagbabawal na gamot.

Aniya, wala pa siyang nakitang adik na gumanda o gumuwapo, at sa halip ay nasisira ang itsura at buhay ng mga gumagamit.

Read also

Staff ni Sen. Robin Padilla, iniimbestigahan dahil umano sa pagma-mar!juana sa loob ng opisina niya

Panuorin ang ulat sa bidyong ito:

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Lalaking nagnakaw sa SUV sa Sampaloc, sapul sa CCTV at arestado

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: