School principal, walang-awang binaril sa harap mismo ng eskuwelahan

School principal, walang-awang binaril sa harap mismo ng eskuwelahan

  • Sugatan ang principal ng Agriculture Elementary School sa Midsayap, Cotabato matapos pagbabarilin ng dalawang riding-in-tandem suspects
  • Nakilala ang biktima bilang si Arlyn Alcebar, 54, na nagtamo ng tatlong tama ng bala at kasalukuyang stable ang kondisyon
  • Mariing kinondena ng DepEd ang pamamaril, tinawag itong pag-atake sa sanctity of schools bilang ligtas na lugar para sa pagkatuto
  • Patuloy ang imbestigasyon ng PRO-12 upang matukoy ang motibo at maaresto ang mga salarin

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sugatan ang isang school principal matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin habang sakay ng kotse sa tapat ng Agriculture Elementary School sa Midsayap, Cotabato.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Sa pahayag ng Department of Education (DepEd), mariin nilang kinondena ang insidente.

“The DepEd Central Office condemns in the strongest possible terms the shooting of the principal of Agriculture Elementary School in Midsayap, North Cotabato. This is not only an attack on an educator, but an assault on the sanctity of schools as safe zone for learning,” ayon sa DepEd.

Read also

Rigo Duterte, iginiit na walang saysay ang panawagan kontra kay Vice Ganda

Nakikipagtulungan umano ang kagawaran sa Philippine National Police, Department of the Interior and Local Government, at iba pang awtoridad para maaresto ang mga salarin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa ulat ni Efren Mamac sa "GMA Regional TV News," sinabi ni Police Major Rissa Hernaez, tagapagsalita ng PRO-12, na tatlong tama ng bala ang tinamo ng 54-anyos na biktima.

“May dalawang unidentified na suspect na riding a motorcycle na overtook sa kanyang vehicle and without provocation, yun nga nagbaril gamit ang caliber .45 pistol,” aniya.

Patuloy pang iniimbestigahan ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

“So far, patuloy pa ang investigation at pina-follow up din natin ang lahat ng operation at intelligence natin para ma-intensify at ma-identify natin at, siyempre, ang pag-arrest sa perpetrators,” dagdag pa ni Hernaez.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Read also

Kitty Duterte, nagbigay ng update sa kalusugan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)