Kitty Duterte, nagbigay ng update sa kalusugan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte

Kitty Duterte, nagbigay ng update sa kalusugan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte

  • Kitty Duterte, bunsong anak ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, kinumpirma na dinala sa ospital ang ama para sa routine check-up
  • Ayon kay Kitty, maayos ang kalagayan ng dating pangulo at mas maganda ang kondisyon kumpara sa unang linggo sa ICC detention
  • Binanggit ni Kitty na mas lively at mas sharp ngayon ang dating presidente
  • Ipinadala ni Duterte ang kanyang pasasalamat at pagmamahal sa pamilya at mga tagasuporta

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kinumpirma ng bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte na dinala sa ospital ang kanyang ama habang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. Ayon sa kanya, ito ay bahagi lamang ng routine check-up at walang dapat ipag-alala ang publiko.

Kitty Duterte, nagbigay ng update sa kalusugan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
Kitty Duterte, nagbigay ng update sa kalusugan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte (📷Alvin&Tourism/Facebook)
Source: Facebook

Limang buwan nang nakakulong sa ICC detention facility ang 80-anyos na dating Pangulo dahil sa mga kasong may kinalaman sa umano’y crimes against humanity kaugnay ng kanyang administrasyon at kampanya kontra droga. Nakatakda ang confirmation of charges hearing sa Setyembre 23, 2025.

Read also

Claire Castro, dinepensahan si Vice Ganda laban sa kritiko ng concert joke

Matatandaang kamakailan, sinabi ng partner ni Duterte na si Honeylet Avanceña na pinagbawalan siyang bumisita matapos ang umano’y usapan nila sa telepono tungkol sa legal matters. Ngunit nitong mga nakaraang araw, nagtungo sa Netherlands si Kitty upang personal na makasama ang ama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Yes, but he is okay. It’s just, ah, you know, he’s routine check-up because as we all know he is old and not exactly in the best shape but he’s okay. Actually I expected him to be more frail but he’s not,” pahayag ni Kitty nang tanungin tungkol sa isyu ng pagdadala ng ama sa ospital.

Ibinahagi rin ni Kitty na mas maganda na ang kondisyon ng dating Pangulo ngayon kumpara sa unang linggo niya sa kulungan ng ICC. “Mas lively siya at mas sharp ngayon,” aniya. Dagdag pa niya, nagpapadala ang dating Pangulo ng pasasalamat sa mga tagasuporta sa patuloy na pagbibigay ng pagmamahal at suporta.

Read also

Kris Aquino, emosyonal sa kondisyon ng panganay habang siya’y may sakit: “Kuya is traumatized"

Biro pa ni Kitty, ang unang sinabi ng ama nang magkita sila ay mas “malaki” na siya, na agad niyang nilinaw na marahil ay tinutukoy nito ang kanyang footwear at hindi ang kanyang katawan.

Si Rodrigo Roa Duterte ang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2022. Kilala siya sa kanyang matapang na pananalita at kontrobersyal na kampanya kontra droga na umani ng papuri mula sa ilan at matinding batikos mula sa iba. Ngayon, humaharap siya sa mga kaso sa ICC kaugnay ng libo-libong nasawi sa war on drúgs. Ang pagkakaaresto at pagkakakulong niya sa The Hague ay isa sa mga pinakamalalaking pangyayaring pulitikal sa bansa sa kasalukuyan.

Bumuwelta si dating Presidential Spokesperson Harry Roque laban kay Vice Ganda matapos ang biro ng komedyante tungkol sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang concert. Tinawag ni Roque na walang respeto ang naturang komento at ipinagtanggol ang dating pangulo laban sa aniya’y pambabastos. Dagdag pa niya, hindi raw biro ang mga sakripisyo ng dating lider para sa bansa.

Read also

Harry Roque, bumuwelta kay Vice Ganda: “Sinipa-sipa mo pa si Tatay Digong"

Sumagot si Atty. Claire Castro sa mga bumabatikos kay Vice Ganda kaugnay ng biro nito tungkol sa dating Pangulong Duterte. Aniya, bahagi ng freedom of expression ang ginawa ng komedyante at hindi ito dapat ituring na personal na pag-atake. Binigyang-diin din niya na dapat ay mas maging bukas ang publiko sa ganitong uri ng entertainment

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate