Pickup, sumalpok sa bakod ng tulay; 1 patay, 10 sugatan, 1 pasahero tumilapon

Pickup, sumalpok sa bakod ng tulay; 1 patay, 10 sugatan, 1 pasahero tumilapon

  • Isang pickup truck ang bumangga sa bakod ng tulay sa General Santos City, kung saan isa ang namatay at 10 ang sugatan
  • Galing resort ang mga biktima at nawalan ng preno ang sasakyan sa pababang kalsada
  • Isang pasahero tumilapon at nahulog sa tuyong sapa mula sa taas na 10 metro
  • Tinitingnan ng pulisya kung overloading ang isa sa mga dahilan ng aksidente
One Mindanao/GMA 7/GMA Regional Tv on YouTube
One Mindanao/GMA 7/GMA Regional Tv on YouTube
Source: Youtube

Isa ang namatay at 10 ang sugatan matapos bumangga ang isang pickup truck sa bakod ng tulay sa General Santos City.

Ayon sa ulat, galing sa isang resort sa T’boli, South Cotabato ang mga biktima at pauwi na nang mawalan ng preno ang sasakyan sa pababang bahagi ng kalsada sa Barangay San Jose nitong Huwebes ng hapon.

Batay sa imbestigasyon, isang 49-anyos na babae ang nagmamaneho ng pickup at hindi na nakontrol ang manibela hanggang sa sumalpok ito sa bakod ng tulay.

Sa lakas ng bangga, nasira ang mga gulong ng sasakyan at tumilapon ang ilang pasahero. Isa sa kanila ay nahulog pa sa tuyong sapa na may taas na 10 metro.

Read also

Pari at dalawang pedestrian, tinamaan nang bumangga ang funeral van

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isang 65-anyos na pasahero ang idineklarang dead on arrival sa ospital. Sinusuri ngayon ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa aksidente ang sobrang karga ng sasakyan.

Ayon kay Traffic Enforcement Unit Chief, Lt. Col. Joel Fuerte, tinitingnan nila ang posibilidad na overloading dahil mabigat ang sasakyan kaya hindi ito na-maniobra, lalo na’t pababa ang kalsada.

Posibleng masampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple serious physical injury ang driver.

Patuloy pa ring sinusubukang kunan ng pahayag ang driver at iba pang sakay ng pickup.

Panuorin ang ulat sa bidyong ito:

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Read also

Grade 11 na estudyante, inaresto matapos umanong barilin ang kanyang teacher

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: