Chinese national, hinoldap sa BGC; mamahaling relo na Rolex at Tiffany na kwintas, tinangay
- Apat na suspek na sakay ng motorsiklo ang nangholdap sa isang 30-anyos na Chinese national sa Forbes Town Road, BGC noong Agosto 8
- Natangay ang Rolex watch na nagkakahalaga ng P1 milyon at Tiffany silver necklace na nagkakahalaga ng P164,000, ayon sa Manila Bulletin
- Nagbabala ang Taguig police sa pawnshop, buyer ng alahas, at publiko laban sa pagbili ng mga ninakaw na gamit, ayon sa Anti-Fencing Law (PD 1612)
- Hinihikayat ng pulisya ang publiko na i-report agad ang anumang tangkang pagbenta ng mga ninakaw na gamit at magbigay ng impormasyon tungkol sa mga suspek
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hinoldap ng apat na suspek ang isang Chinese national sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig noong Agosto 8, kung saan tinangay ang mamahaling relo at kuwintas nito, sa ulat ng Manila Bulletin.

Source: Getty Images
Ayon sa ulat ng Taguig City Police, naganap ang insidente sa Forbes Town Road, 26th Street sa BGC.
Sakay ng motorsiklo, mabilis na nilapitan ng mga suspek ang 30-anyos na biktima at kinuha ang suot nitong Rolex watch na nagkakahalaga ng P1 milyon at Tiffany silver necklace na tinatayang nasa P164,000 ang halaga.
Matapos ang krimen, agad na tumakas ang mga suspek.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagbabala ang pulisya sa mga pawnshop, buyer ng alahas, at sa publiko laban sa pagbili ng mga naturang ninakaw na gamit.
“Purchasing or accepting stolen items is a crime punishable under the Anti-Fencing Law (PD 1612), with penalties including imprisonment and business permit revocation,” ayon sa Taguig police.
Dagdag pa ng mga awtoridad, “Report any attempt to sell these items immediately to Taguig City Police Station. Anyone with information on the suspects or the stolen jewelry is urged to call this Police Station.”
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga suspek, habang hinihimok ang sinumang may impormasyon na makipag-ugnayan agad upang madakip ang mga responsable at maibalik ang mga ninakaw na alahas.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh