Davao de Oro councilor at mister ng isang mayor, namatay matapos dumalo sa trail run event

Davao de Oro councilor at mister ng isang mayor, namatay matapos dumalo sa trail run event

  • Dalawang kilalang personalidad, kabilang ang asawa ng New Bataan mayor, pumanaw sa trail run sa Bukindaw X Santo Tomas Mountain Trail Ultra 2025
  • Parehong biktima ay nakaranas ng matinding sintomas na hinihinalang sanhi ng heat stroke
  • Pulisya sa Davao del Norte iniimbestigahan kung nasunod ang safety protocols ng organizers
  • Mga kaanak at lokal na pamahalaan nagpaabot ng pakikiramay at pagpupugay sa serbisyo ng mga nasawi

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Eric Joseph David Taping on Facebook
Eric Joseph David Taping on Facebook
Source: Facebook

Dalawang kalahok sa Bukindaw X Santo Tomas Mountain Trail Ultra 2025 ang pumanaw noong Linggo, Agosto 4.

Kinilala ang mga biktima bilang si Klent John Brua, asawa ng New Bataan mayor na si Bianca Cualing-Brua, at si Montevista councilor Eric Joseph Taping.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa ulat, nagsagawa ng rescue operation ang mga organizer matapos mabigong makarating sa finish line sina Brua at Taping.

Natagpuang walang malay si Brua at idineklarang dead on arrival sa Santo Tomas Municipal Health Center.

Read also

Sikat na lalaking New York-based TikToker, pumanaw sa edad na 20

Si Taping naman, 33 taong gulang, ay nakaranas ng pagsusuka at panghihina. Dinala siya sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

Hinihinalang parehong kaso ay dulot ng heat stroke dahil sa mataas na temperatura noong araw ng kompetisyon.

Sinisilip din ng pulisya kung nasunod ng organizers ang safety protocols.

Ayon kay Police Major Eduardo Corpuz, Sto. Tomas PNP commander, dapat ay may nakabantay na security stations kada pitong kilometro, ngunit nakita umano na may kakulangan sa paghahanda.

Nagpahayag ng kalungkutan ang pamahalaang panlalawigan ng Davao de Oro sa pagpanaw ni Taping, at sinabing ang kanyang dedikasyon sa kaLAMBOan at tapat na paglilingkod ay mananatiling alaala at karangalan.

Nagpaabot din ng damdamin ang kapatid ni Taping na si Coy Coy, na nagsabing ang trail running ay bahagi na ng kanilang buhay mula pa 2012.

Ayon sa kanya, noong Agosto 4, 2025, dinala ng trail ang kanyang kapatid sa lugar na hindi pa niya masusundan, ngunit mananatili sa kanya ang lakas at inspirasyon nito sa bawat hakbang.

Read also

Hinala ng pagtataksil, nauwi sa pananaksak; babae, sugatan sa kamay ng asawa

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Dinukot na beauty queen sa Leyte, natagpuan bangkay palutang-lutang sa dagat; paa't kamay nakatali

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: