5 bungo ng tao, natagpuan sa loob ng kahon sa isang masukal na lugar sa SJDM

5 bungo ng tao, natagpuan sa loob ng kahon sa isang masukal na lugar sa SJDM

  • Limang bungo ng tao ang natagpuan sa loob ng isang kahon na binalot ng trash bag sa San Jose del Monte, Bulacan
  • Ang kahon ay nadiskubre ng isang caretaker habang papunta sa tindahan, at agad na ini-report sa pulis
  • Ayon sa mga pulis, isa sa mga bungo ay may basag sa sentido, at may nakasulat na numero sa isa
  • Iniimbestigahan pa kung may kaugnayan ito sa mga nawawalang sabungero o sa paggamit ng buto sa pag-aaral ng medisina
GMA News on Facebook
GMA News on Facebook
Source: Facebook

Natagpuan noong Hulyo 13 ang limang bungo ng tao sa loob ng isang kahon na binalot ng trash bag sa gilid ng Liana Road, Barangay Tungkong Mangga, San Jose del Monte City, Bulacan.

Ayon sa pulisya, isang caretaker ng lote ang nakakita sa kahon habang bibili sana ng pagkain.

Nang silipin niya ang laman, doon niya nakita ang mga bungo at agad niya itong ini-report sa mga awtoridad.

Sabi ng investigator na si Police Corporal Ryand Paul Antimaro, wala nang ngipin ang mga bungo, may packaging tape ang ilan, at natanggal ang mga panga nito.

Read also

Manny Villar, balak nang i-dispose ang PrimeWater ayon kay Sen. Cynthia Villar

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isa sa mga bungo ay may basag sa sentido at may nakasulat na numero, pero hindi pa masabi kung dahil ito sa bala o ibang sanhi.

Ang mga bungo ay dinala na sa Camp Crame para sa masusing pagsusuri tulad ng anthropological, odontological, at DNA testing.

Sa ngayon, wala pang kamag-anak na lumalapit para alamin kung bangkay ito ng kanilang kapamilya.

Iniimbestigahan na rin kung may koneksyon ito sa kaso ng mga nawawalang sabungero na pinaghahanap sa Taal Lake noong parehong araw.

Ayon sa pulisya, aantayin ang resulta ng DNA test mula sa Batangas at sa Bulacan upang malaman kung magtutugma ang mga ito.

Sinabi rin ng mga awtoridad na titingnan nila kung may kinalaman ito sa paggamit ng buto para sa pag-aaral ng medisina.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nag-iwan ng naturang mga labi.

Basahin ang artikulo na isinulat ng GMA News dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Read also

Cristy Fermin, palaban ang sagot sa arrest warrant: 'Ibe-bail naman ito at ilalaban sa husgado'

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Groom, agaw-buhay sa hsopital matapos madisgrasya habang papunta sa kanyang kasal

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: