Funeral parlor sa Maynila, ipinasara matapos madiskubre ang mga nabubulok na bangkay

Funeral parlor sa Maynila, ipinasara matapos madiskubre ang mga nabubulok na bangkay

  • Ipinasara ang Body and Life Funeral Services sa Santa Cruz, Maynila matapos madiskubre ang mga tumpok ng nabubulok na bangkay at kawalan ng mga kinakailangang permit tulad ng sanitary at office permit
  • Lumabas sa imbestigasyon na ginagamit bilang sala, kusina, at kainan ng pamilya ang maliit na opisina ng funeral parlor, habang ang mga bangkay ay basta na lamang nakapatong sa sulok at wala sa cold storage
  • Dalawa sa sampung bangkay ang natagpuang nabubulok na sa formalin solution simula pa noong Abril; agad itong inilipat ng mga awtoridad sa ibang morge upang maiwasan ang banta sa kalusugan
  • Aminado ang may-ari na si Anjanette Bascuguin na wala silang permit, ngunit iginiit na hindi naman abot ang amoy ng mga bangkay sa loob ng kanilang tahanan; nangako ang lungsod ng Maynila na bibigyan ng maayos na burol ang mga labi

Ipinasara ng mga awtoridad ang isang funeral parlor sa Santa Cruz, Maynila nitong Miyerkules matapos madiskubre ang mga tumpok ng nabubulok na bangkay sa loob ng kanilang pasilidad.

Read also

Naaagnas na lalaki, natagpuang nakasako at nakahalo sa mga basura sa loob mismo ng kanyang bahay

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Ayon sa ulat ni Mark Salazar sa "24 Oras," natuklasan ng Manila Sanitary Department at ng Manila North Cemetery na walang kaukulang dokumento ang Body and Life Funeral Services upang legal na makapag-operate.

“Walang permit, walang sanitary permit, wala ring office permit actually,” pahayag ni Daniel Tan ng Manila North Cemetery.

Sa video ng Manila Sanitary Department, makikitang ang maliit na opisina ng funeral parlor ay nagsisilbing sala ng pamilya ng may-ari.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ilang hakbang lamang mula sa kusina at kainan ay ang morge kung saan nakapatong ang mga bangkay sa isang sulok.

Isang bagong cadaver ang nakita ring nakahiga lang sa kama at hindi nailagay sa cold storage.

“Banta sa kalusugan dahil unang-una, inembalsamo doon sa lugar na ‘yun... Dapat ventilated, naka-tiles... may refrigerator,” ayon kay District Sanitary Inspector Gilbert de Guzman.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang 10 bangkay at inilipat ang mga ito sa ibang morge.

Read also

Angelu de Leon, aktibong tumutulong sa mga apektado ng bagyo

Ayon kay Anjanette Bascuguin, may-ari ng parlor, “Pero wala naman pong, hindi naman po abot dito, diyan lang.”

Dalawa sa mga bangkay ay nagsimula nang mabulok sa formalin solution simula pa noong Abril.

Nangako ang City of Manila na bibigyan ng maayos na burol at libing ang mga ito. Umamin naman si Bascuguin sa kakulangan nila sa mga permit.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Pamilya sa Laurel, Batangas, tumawid ng baha habang buhat ang kabaong ng mahal sa buhay

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)