Baste Duterte, umalis papuntang Singapore ayon sa NBI
- Kinumpirma ng NBI na lumipad papuntang Singapore si acting Davao Mayor Baste Duterte ngayong Biyernes
- Ilang araw na lang sana bago ang planong charity boxing match nila ni PNP Chief Nicolas Torre III sa Linggo
- Tumanggap si Torre ng hamon at handang ituloy ang laban kahit hindi dumating si Duterte
- Humiling si Rep. Pulong Duterte ng waiver at drug test bilang kondisyon bago payagan ang laban
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Facebook
Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakatanggap sila ng impormasyon na bumiyahe papuntang Singapore si acting Davao City Mayor Baste Duterte nitong Biyernes ng umaga, ilang araw bago ang inaabangang charity boxing match nila ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Nicolas Torre III.
Ayon sa NBI, umalis si Duterte sakay ng eroplano mula Davao International Airport patungong Singapore.
Matatandaang unang naghamon si Duterte ng suntukan kay Torre sa isang video sa YouTube noong nakaraang linggo.
Tinanggap ito ni Torre at iminungkahing gawin ang laban bilang charity event para makatulong sa mga nasalanta ng kalamidad, na nakatakda sanang gawin sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila ngayong Linggo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ani Torre, “hihintayin niya si Duterte” sa venue at itutuloy ang pamamahagi ng tulong kahit hindi dumating ang acting mayor.
Nitong Huwebes, nag-post muli si Duterte ng video kung saan naglatag siya ng mga kondisyon bago siya pumayag sa laban, kabilang dito ang hair follicle drug test para sa mga opisyal ng gobyerno, kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Aniya, “Huwag kang mag-alala Torre, kasi matagal ko na talaga gusto makabugbog ng unggoy,” at tinanong din niya kung bakit kailangan pa ng “charity, charity” sa laban.
Samantala, sinabi ni Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte na dapat pumirma ng waiver si Torre para wala nang pananagutan ang kaniyang kapatid kung sakaling matuloy ang laban.
“Kung seryoso siya, mag-sign muna ng waiver. Kay kung mapuruhan siya, mamatay, makukulong ang kapatid ko,” ani Pulong. “Mag-sign muna ng waiver. Magpa-drug test na rin. Kung talagang malinis, then it’s a go,” dagdag pa niya.
Panuorin ang balita sa bidyo sa ilalim:
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also
Naaagnas na bangkay ng lalaki, natagpuan sa loob ng bahay na balak sanang bilhin ng isang homebuyer
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh