Pamilya sa Laurel, Batangas, tumawid ng baha habang buhat ang kabaong ng mahal sa buhay
- Sa Laurel, Batangas, buhat-buhat ng mga residente ang isang kabaong habang tumatawid sa rumaragasang baha patungo sa sementeryo
- Nangyari ito sa spillway ng Barangay Poblacion, na pansamantalang crossing point ng komunidad matapos masira ang tulay dahil sa Typhoon Kristine
- Hindi madaanan ng sasakyan ang ruta dahil sa taas ng tubig kaya’t napilitan ang mga naglalamay na tawirin ito nang maglakad, suungin ang agos at buhatin ang yumaong mahal
- Panawagan ngayon ng mga residente ay isang ligtas at matatag na tulay upang maiwasan ang panganib tuwing may sakuna
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Laurel, Batangas — Imbis na katahimikan at panalangin ang bumalot sa araw ng libing ng isang mahal sa buhay, tila isa itong senaryo mula sa pelikula: kabaong na binuhat sa balikat, sinusuong ang baha, at nilalabanan ang agos ng rumaragasang tubig.

Source: Original
Ganito ang sinapit ng ilang residente ng Barangay Poblacion sa Laurel, Batangas nitong linggo habang inihahatid ang labi ng mahal nilang kaanak sa huling hantungan. Sa gitna ng baha, tinahak nila ang spillway—ang tanging daan na natitira para makatawid papunta sa sementeryo ng Barangay Bugaan. Ang dating tulay na nagsisilbing pangunahing ruta ay nasira pa noong October 2024 nang manalasa ang Typhoon Kristine.
Walang sasakyang makadaan sa lugar dahil sa taas ng tubig. Pero hindi iyon naging hadlang para sa pamilya at mga kaibigan ng yumao. Maingat ngunit matapang, buhat-buhat nila ang kabaong habang tumatawid sa baha—marami ang basang-basa, nanginginig sa lamig, at tinatalo ng lungkot habang suot ang itim.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa mga residente, hindi na bago ang ganitong eksena sa kanilang lugar. Kapag umuulan, imposibleng makatawid nang ligtas lalo na sa mga emergency gaya ng libing, pagpunta sa ospital, o pagpasok sa eskwela. Kaya’t muling humihiling ang komunidad sa mga lokal na opisyal: isang konkretong tulay ang kailangan, hindi panandaliang solusyon.
“Hindi na lang ito abala—buhay ang nakataya sa tuwing tatawid kami dito,” ani ng isang residente. May ilan na raw dati nang nadulas at tinangay ng agos, pero swerte namang naisalba pa. Hindi raw dapat umabot sa ganito bago umaksyon ang mga nasa kapangyarihan.
Hindi na bago sa maraming Pilipino ang epekto ng pagbaha—lalo na sa mga lalawigan at low-lying areas. Sa tuwing may bagyo o habagat, maraming lugar ang lumulubog sa tubig. Ang mga sirang imprastruktura tulad ng tulay o spillway ay lalong nagpapalala sa sitwasyon, nagiging balakid sa pag-access ng basic services gaya ng edukasyon, kalusugan, at maging sa libing.
Habang tumitindi ang epekto ng climate change, dumarami rin ang panawagan sa gobyerno para sa mas matibay at matagalang solusyon. Sa mga kwentong gaya ng sa Laurel, malinaw na ang kawalan ng maayos na tulay ay hindi lang usapin ng abala, kundi ng dignidad, kaligtasan, at kabuhayan.
Isang batang babae ang nalunod matapos maligo sa estero kasama ang kanyang mga kaibigan. Ilang oras bago ito natagpuan ng mga rescuer, sumabit na lang sa paa ng isa sa mga sumisisid. Tulad ng insidente sa Batangas, kitang-kita ang panganib na dulot ng tubig, lalo na sa kawalan ng tamang babala at ligtas na estruktura.
Nagbigay babala ang doktor at content creator na si Dr. Kilimanguru tungkol sa panganib ng leptospirosis tuwing baha. Binanatan niya ang ilang mayayamang netizen na tila walang malasakit sa realidad ng mahihirap na Pilipino na kailangang sumuong sa baha. Tulad ng sa Laurel, hindi lang tubig-baha ang kalaban kundi mismong kakulangan ng suporta sa mga vulnerable communities.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh