Lalaki pinagtataga at pinukpok ng bato ng kapatid; kinakasama at sanggol, sugatan

Lalaki pinagtataga at pinukpok ng bato ng kapatid; kinakasama at sanggol, sugatan

  • Pinagtataga hanggang sa mamatay ang isang lalaki ng sarili niyang kapatid sa Davao City matapos siyang pagbintangang may relasyon sa asawa ng suspek
  • Sugatan din ang kinakasama ng biktima at ang kanilang 11-buwang-gulang na anak matapos madamay sa brutal na pananaga
  • Nag-ugat ang insidente matapos magtalo ang suspek at asawa nito, dahilan upang magwala ang suspek at pasukin ang bahay ng kapatid na biktima
  • Nahaharap ang suspek sa kasong murder at frustrated murder ngunit nananatiling tahimik at walang inilalabas na pahayag

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaki sa Davao City matapos siyang pagtatagain at pinaniniwalaang binagsakan pa ng bato sa mukha ng sarili niyang kapatid.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Pati ang kinakasama ng biktima at ang kanilang 11-buwang-gulang na anak ay nagtamo rin ng mga sugat sa insidente.

Sa ulat ni RGil Relator sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Miyerkules, nangyari ang krimen sa mismong tahanan ng 34-anyos na biktima sa Barangay Wangan, Calinan district, Linggo ng madaling araw.

Read also

Lalaki, nasawi matapos masipa habang umaawat ng away sa Cebu restobar

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, lumabas na nag-inuman muna ang magkapatid bago ang karumal-dumal na pangyayari.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang 39-anyos na suspek, kapatid ng biktima, ay nagkaroon ng matinding pagtatalo sa kaniyang misis pag-uwi nito, matapos siyang akusahan na mayroong “lihim na relasyon” ang kaniyang asawa at ang biktima.

Dahil sa takot, nagpasya ang babae na umalis ng bahay kasama ang kanilang mga anak.

Ngunit hindi nagtagal, ang suspek ay nagtungo sa bahay ng kaniyang kapatid kung saan mahimbing na natutulog ang mag-anak. Doon na isinagawa ang karumal-dumal na pananaga.

Dead on the spot ang lalaking biktima dulot ng tinamong mga sugat sa katawan at mukha.

Samantala, ang kaniyang kinakasama at sanggol na anak ay patuloy pang nagpapagaling sa ospital dahil sa tinamong mga sugat.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa mga kasong murder at frustrated murder ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring inilalabas na pahayag hinggil sa insidente.

Read also

19-anyos na dalaga, arestado sa tangkang panghoholdap ng taxi driver

Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada. Dahil dito, umani ng atensyon ang video at umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), na naglabas ng suspensyon sa lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw.

Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video. Kaugnay nito, sinabi ni Senador JV Ejercito na bagama’t humingi na ng tawad ang moto-vlogger, nararapat pa rin niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)