Apo, nakita ang karumal-dumal na pagpatay sa 74-anyos na lola

Apo, nakita ang karumal-dumal na pagpatay sa 74-anyos na lola

  • Isang 74-anyos na lola ang nasawi matapos saksakin sa dibdib sa Sitio Tala-tala, Barangay Napacao, Siaton, Negros Oriental
  • Ayon sa apo, nakita niyang tumatakbo ang isang lalaking nakaitim na jacket at pantalon papunta sa kaniyang lola bago ang pananaksak
  • Tumakas ang suspek patungo sa taniman ng tubo matapos ang krimen; patuloy ang pursuit operation ng pulisya
  • Idineklarang dead on arrival ang biktima sa ospital habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente

Patay ang isang 74-anyos na lola matapos itong pagsasaksakin sa Sitio Tala-tala, Barangay Napacao, Siaton, Negros Oriental, ayon sa ulat ng pulisya.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Police Lieutenant Stephen Polinar, tagapagsalita ng Negros Oriental Police Provincial Office, lumabas sa inisyal na imbestigasyon na papunta sana ang biktima at ang kaniyang apo sa kanilang maliit na payag sa lugar nang maganap ang insidente.

Habang nasa daan, inutusan umano ng lola ang kaniyang apo na mag-igib ng tubig na gagamitin sa paghahanda ng palaman para sa lokal na delicacy.

Read also

Lalaking namamalimos, patay matapos saksakin ng service crew

Ngunit pagbalik ng apo, bumungad sa kaniya ang isang hindi nakikilalang lalaki na tumatakbo palapit sa kaniyang lola, saka ito sinaksak sa dibdib.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi nakita ng bata ang mukha ng salarin, ngunit nailarawan niya ito bilang lalaking nakasuot ng itim na jacket, itim na pantalon, at walang sapin sa paa.

Matapos ang pananaksak, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa taniman ng tubo.

Isinugod pa sa ospital ang matanda, ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Ayon pa kay Lt. Polinar, nagsagawa na ng pursuit operation ang mga awtoridad upang tugisin ang suspek. Patuloy rin ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin.

Ang karumal-dumal na insidenteng ito ay ikinabigla ng mga residente sa lugar, na kilala sa payapang pamumuhay at tanyag na mga pagkaing lokal sa Negros. Patuloy ang panawagan ng hustisya para sa biktima.

Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila sa marami.

Read also

19-anyos na dalaga, arestado sa tangkang panghoholdap ng taxi driver

Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada. Dahil dito, umani ng atensyon ang video at umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), na naglabas ng suspensyon sa lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw.

Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video. Kaugnay nito, sinabi ni Senador JV Ejercito na bagama’t humingi na ng tawad ang moto-vlogger, nararapat pa rin niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)