17-anyos na nagpanggap na dinukot, sa nobyo pala pumunta, ayon sa pulisya
- Pinabulaanan ng Davao City Police ang ulat na dinukot ang isang 17-anyos na dalagita; siya pala ay nasa bahay lang ng nobyo
- Nagpadala ng voice message ang dalagita na nagsasabing dinukot siya, dahilan ng pagkalat ng impormasyon sa social media
- Sa imbestigasyon, lumabas na hindi tugma ang kaniyang mga salaysay at nakita ang uniporme at bag niya sa bahay ng nobyo
- Balak ng pulisya na kasuhan ang dalagita sa ilalim ng RA 10175 dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Itinanggi ng Davao City Police ang kumalat sa social media na insidenteng pagdukot sa isang 17-anyos na dalagita, matapos mapatunayan na hindi ito dinukot kundi nagtungo lamang sa bahay ng kaniyang nobyo.

Source: Facebook
Sa ulat ni Rgil Relator ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes, makikita sa CCTV footage ang dalagita na nakasuot ng school uniform at may dalang backpack bago ito iulat ng pamilya bilang nawawala noong Hulyo 14, 2025.
Ayon sa pulisya, nagpadala ng voice message ang dalagita sa kaniyang kaibigan na nagsasabing dinukot siya at kailangan ng tulong.
Mabilis itong kumalat sa social media.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“In the succeeding days, she randomly sent messages to her family and school’s group chat for her rescue. In the evening of Wednesday, July 16, 2025, she was found along the road in Banas, in Brgy. Bato, Toril, Davao City,” ayon kay Toril Police Station Chief, Major Sheryl Bautista.
Lumabas sa imbestigasyon na hindi tugma ang kaniyang mga salaysay.
Kalaunan, natukoy na nasa bahay lamang ng kaniyang nobyo ang dalagita.
“The story was fabricated. It was also found out that she was with her boyfriend in Maa when she was believed to be missing,” dagdag ni Bautista.
Kinumpirma rin ng ina ng lalaki ang sitwasyon at pinayuhang umuwi ang dalagita.
Ngunit sa halip na umuwi, nagtungo ito sa Brgy. Bato at doon nagpatawag sa kaniyang mga magulang.
“We are contemplating on filing alarms and scandal in relation to RA 10175 or the Anti-cybercrime Act,” ani Bautista, kasabay ng paalala laban sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media.
Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada. Dahil dito, umani ng atensyon ang video at umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), na naglabas ng suspensyon sa lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw.
Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video. Kaugnay nito, sinabi ni Senador JV Ejercito na bagama’t humingi na ng tawad ang moto-vlogger, nararapat pa rin niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh