Lalaking namamalimos, patay matapos saksakin ng service crew

Lalaking namamalimos, patay matapos saksakin ng service crew

  • Patay si “Eurick” matapos saksakin ng service crew sa San Carlos City
  • Nagsimula ang insidente nang mamalimos ng pera ang biktima sa isang bar
  • Tatlong beses sinaksak si Eurick sa tiyan at dineklarang dead on arrival
  • Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at hawak na ang suspek

Patay ang isang lalaking namamalimos matapos umanong saksakin ng isang service crew ng bar sa Barangay 5, San Carlos City, Negros Occidental, bandang alas-4:37 ng madaling araw kahapon, Hulyo 20, 2025.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Kinilala ang biktima sa alyas na "Eurick," residente ng Ylagan Street, Barangay 6, sa nasabing lungsod.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Captain Rodney Sarona, Deputy Chief of Police ng San Carlos City Police Station, lumapit umano si Eurick sa isang bar upang mamalimos ng pera.

Ayon sa ulat, sinaway siya ng service crew, na nauwi sa mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa gitna ng alitan, inakala ng service crew na kailangang siyang depensahan ang sarili at tatlong beses niyang sinaksak si Eurick sa tiyan.

Read also

19-anyos na dalaga, arestado sa tangkang panghoholdap ng taxi driver

Agad namang isinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang buong insidente, kabilang na ang posibilidad ng self-defense sa panig ng service crew.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang hinihintay ang pormal na pagsasampa ng kaso.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa publiko na iwasan ang karahasan at imbes na pananakit, ireport agad sa mga pulis ang anumang alitan o kaguluhan upang hindi na ito humantong sa trahedya.

Sa ibang ulat, nagbigay ng update ang Bombo ukol sa bagyo.

Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila talaga sa maraming tao.

Read also

7-anyos na bata, patay sa sunog sa Las Piñas matapos ma-trap sa banyo

Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada. Dahil dito, umani ng atensyon ang video at umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), na naglabas ng suspensyon sa lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw.

Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video. Kaugnay nito, sinabi ni Senador JV Ejercito na bagama’t humingi na ng tawad ang moto-vlogger, nararapat pa rin niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)