DOF nilinaw: Hindi saklaw ng CMEPA ang ipon ng karaniwang mamamayan
- Nilinaw ng DOF na hindi bagong buwis ang CMEPA at hindi nito pinapatawan ng buwis ang ipon ng karaniwang Pilipino
- Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na layunin ng batas na tanggalin ang mas mababang buwis na tanging mayayamang depositors lang ang nakakakuha
- Standard na 20% na buwis sa interest income ang ipapatupad sa lahat ng deposito anuman ang maturity period
- Hindi kasama sa bagong tax rate ang mga savings programs ng SSS, GSIS, at Pag-IBIG tulad ng MP2
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa gitna ng pagkalat ng maling impormasyon online, nilinaw ng Department of Finance (DOF) na hindi bagong buwis ang ipinatupad sa ilalim ng Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA). Ayon kay Finance Secretary Ralph G. Recto, ang layunin ng batas ay itama ang hindi patas na sistemang nagbibigay ng pabor sa mayayamang depositors sa pamamagitan ng pag-alis ng special tax rates sa mga long-term deposits.

Source: Facebook
“CMEPA does not impose a new tax, instead standardized the tax rate on interest income to correct an unfair system that favored the wealthy,” pahayag ni Recto. Sa ilalim ng bagong batas, pantay-pantay na ang buwis sa interest income—flat 20% anuman ang haba ng deposito. Dati-rati, ang mga deposito na mas mahaba sa limang taon ay tax-exempt, habang ang mga three-to-four-year at four-to-five-year deposits ay may mas mababang 12% at 5% na buwis, ayon sa DOF.
Sa mga datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, lumalabas na 99.6% ng deposito sa bansa ay dati nang pinapatawan ng 20% na buwis, habang 0.4% lamang—na karamihan ay long-term deposits ng mayayaman—ang may special treatment. “This special tax treatment favored depositors who can afford to park their savings in long-term deposits,” ayon sa DOF.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa ng ahensya, hindi saklaw ng CMEPA ang mga savings program ng SSS, GSIS, at Pag-IBIG tulad ng MP2. Hindi rin apektado ang mga financial instruments na binili bago ang Hulyo 1, ang petsa ng pag-iral ng bagong batas. Kaya’t ang mga long-term deposits na nauna nang itinakda ay mananatiling may special tax rate hanggang sa kanilang maturity.
Bukod sa interest income, pinalalawak rin ng CMEPA ang mga reporma sa merkado ng kapital sa pamamagitan ng pagbawas ng Stock Transaction Tax mula 0.6% pababa sa 0.1%, pagbaba ng Documentary Stamp Tax sa newly issued shares, at pagtatanggal ng DST sa collective investment schemes. “These reforms are designed to level the playing field, boost investment, and expand financial inclusivity,” dagdag ng DOF.
Ang CMEPA o Capital Markets Efficiency Promotion Act ay isa sa mga hakbangin ng pamahalaan upang gawing patas, simple, at episyente ang pagbubuwis sa mga financial transactions. Sa pamumuno ni Finance Secretary Ralph Recto, layunin ng batas na tanggalin ang mga butas na nagpapabor sa iilan at palawakin ang access ng mas maraming Pilipino sa financial instruments. Ayon sa DOF, ito ay hakbang din patungo sa mas maayos na pagpapatakbo ng merkado at pagpapalawak ng kita ng gobyerno.
Noong 2021, naging usap-usapan ang pag-imbestiga ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isang vlogging couple na kumita umano ng milyon-milyong piso ngunit hindi nagtala ng tamang buwis. Sa ulat ng Kami, nadiskubre rin na dinelete umano ng couple ang kanilang channel. Isa itong halimbawa kung paanong mas binibigyang pansin na ngayon ng pamahalaan ang pagbubuwis sa iba’t ibang uri ng income.
Inilabas ng Malacañang ang listahan ng mga unang opisyal sa gabinete sa ilalim ng bagong pamunuan. Isa si Ralph G. Recto sa mga prominenteng hinirang bilang Finance Secretary, isang posisyon na may malaking impluwensya sa mga reporma sa buwis gaya ng CMEPA. Sa pag-upo niya, nagsimulang ilatag ang mga polisiyang layuning gawing patas ang sistema ng buwis sa bansa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh