Dalawang sako ng buto ng tao, muling natagpuan sa Taal Lake ayon sa DOJ
- Dalawang panibagong sako na may lamang buto ng tao ang nakuha sa bahagi ng Taal Lake
- May kasamang sako ng buhangin na pinaniniwalaang ginamit bilang pabigat upang lumubog sa lawa
- Ayon kay DOJ Sec. Remulla, nagpapatunay ito sa pahayag ng whistleblower na si “Totoy”
- Kinumpirma rin ng mga eksperto na ang ilang buto ay galing sa tao habang ang iba ay mula sa hayop
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Mas lalong umiinit ang kaso ng mga nawawalang sabungero matapos muling makakuha ng mga posibleng ebidensya sa Taal Lake. Nitong mga nakaraang araw, dalawang bagong sako na may lamang mga buto ng tao ang nakuha sa ilalim ng lawa, kasama pa ang dalawang sako ng buhangin.

Source: Original
Ayon kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang mga natagpuang ebidensya ay tugma sa kwento ng whistleblower na si Julie Patidongan, o mas kilala sa alyas na “Totoy.”
Ibinunyag ni “Totoy” na ang negosyanteng si Atong Ang umano ang utak sa likod ng pagkawala ng mga sabungero, at idinadawit din sa kanyang pahayag ang aktres na si Gretchen Barretto. Aniya, ang mga sabungero ay pinatay at itinapon sa Taal Lake, habang may mga pabigat na nakatali upang hindi lumutang ang kanilang mga bangkay. Nitong linggo, muling napatunayan ng awtoridad na may laman ngang buto ng tao ang mga bagong sako na kanilang nakuha.
“Two sacks were found and we don’t know how many people it belong to,” ani Remulla sa panayam. May kasama ring sako ng buhangin na pinaniniwalaang ginamit upang lubusang ilubog ang mga bangkay. Dagdag pa ng kalihim, apat lahat ang nakuha: dalawang sako ng buhangin at dalawang may lamang buto. Ipinapakita raw nito na may katotohanan ang mga binunyag ni Totoy.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, ikinalungkot ng Philippine Coast Guard ang mga alegasyong itinanim lamang ang mga sako. Ayon kay PCG spokesperson Capt. Noemie Guirao-Cayabyab, nalalagay sa panganib ang buhay ng kanilang technical divers sa bawat pagsisid, at ang tanging layunin nila ay ang matulungan ang imbestigasyon upang makamit ang hustisya para sa mga nawawala.
Ang kaso ng mga nawawalang sabungero ay nagsimula ilang taon na ang nakalilipas, kung saan dose-dosenang lalaki na konektado sa e-sabong ang hindi na muling nakita. Isa sa mga pinakaabangan na development ay ang paglutang ni Julie Patidongan, alias "Totoy," na naglahad ng umano'y masalimuot na plano sa likod ng mga krimen. Dahil sa kanyang pagtestigo, muling binuksan ng awtoridad ang imbestigasyon at nagsimula ang pagsisid sa bahagi ng Taal Lake. Sa bawat hakbang, mas lumalakas ang hinala na sistematikong isinagawa ang mga pagkawala.
Isang ATM user na konektado umano sa mga nawawalang sabungero ang lumutang bilang bagong testigo. Sa artikulong ito ng Kami, isinapubliko na bahagi siya ng sinasabing operasyong nagplano sa pagkawala ng mga biktima. Isa itong mahalagang bahagi ng kaso dahil maaari nitong kumpirmahin ang sinabi ng unang whistleblower na si Totoy.
Sa hiwalay na operasyon, nadiskubre rin ang ilang nakalibing na bangkay na hindi pa nakikilala, at inaasahang konektado rin sa kaso ng sabungeros. Ayon sa mga awtoridad, isa ito sa mga posibleng lokasyon na tinukoy ng testigo. Patuloy pa ang forensic testing para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga labi.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh