Pickup na minamaneho ng lalaking nakaunipormeng DPWH, sumalpok sa concrete barrier sa Pasig
- Isang pickup na minamaneho ng nakauniporme ng DPWH ang sumalpok sa concrete barrier sa C. Raymundo Avenue sa Pasig bandang alas dos ng madaling araw
- Ayon sa driver, nagkamali siya ng kalkula sa pagliko; nasira ang harap at gilid ng sasakyan, at tumagilid ang unahang gulong
- Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng sasakyan; isa sa kanila ang nagsabing tila may tama ng alak ang driver
- Nilinaw ng pulisya na may lisensiya at rehistro ang driver, hindi lasing, at naisyuhan ng citation ticket para sa nasirang ari-arian ng lungsod
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nasira ang isang pickup na minamaneho ng isang lalaking nakauniporme ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos sumalpok sa mga concrete barrier sa C. Raymundo Avenue sa Pasig City nitong Huwebes ng madaling araw.

Source: Youtube
Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, naganap ang insidente bandang alas dos ng madaling araw. Ayon sa driver, “namali siya ng pagkalkula ng pagliko sa kalsada.”
Dahil sa lakas ng impact, nasira ang harapang bahagi ng sasakyan, nayupi ang gilid, at tumagilid ang unahang gulong. Ayon sa ilang saksi, mabilis umano ang takbo ng sasakyan.
“Biglang malakas 'yung putok. Saka kami lumapit. ‘Yan na lang 'yung nakita namin. Kung nagmenor ‘yan, hindi niya aaabutin ito,” ayon kay Rogelio Suban.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Ang lakas eh, biglang may lumagapak eh. Parang pumutok yata ‘yung gulong eh... Pagtingin ko agad, namumula 'yung mukha niya. Tapos parang nagwi-wiggle siya ‘pag naglalakad. Siguro hindi siya ganu’n kalasing, may tama lang siya ng alak,” pahayag ni Joel Usigan.
Tumangging humarap sa camera ang 58-anyos na driver na galing umano sa isang lamay at patungo sa opisina ng DPWH sa Barangay Rosario. Kasama niya sa sasakyan ang tatlong babaeng kaanak na pawang ligtas.
“Na-miscalculate po niya 'yung pagkanan... Kumpleto naman po siya, meron naman po siyang lisensiya,” ayon kay Police Chief Master Sergeant Vicente Napoleon Dalagan.
“Na-issue-han po siya ng citation ticket... Hindi po nakainom 'yung driver,” dagdag pa ni Dalagan.
Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada. Dahil dito, umani ng atensyon ang video at umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), na naglabas ng suspensyon sa lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw.
Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video. Kaugnay nito, sinabi ni Senador JV Ejercito na bagama’t humingi na ng tawad ang moto-vlogger, nararapat pa rin niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh